Elijah Joshua M. Del VIllar a.k.a EBOJING
Ang batang hanggang ngayon nakakatuwa pa den.. ewan ko ba kung talagang favoritism lang ako... pero, talagang malakas pa din sa kin to... Ang batang nagtataguan mag-isa.. isipin nyo na lang kung pano nya yun nagagawa... hehehe! Hindi ko inaanak pero ang tawag sa kin, Ninang Coli... Look at his teeth, pang-commercial!
Laurence Clark Patrick S. Mendoza a.k.a OLENS
Ang batang panalo sa kakulitan... Ang pinaka sa lahat! Tadtad na ng gulpi sa nanay niya pero sa kanya, dedma lang.. "bato-bato" talaga! Hindi niya masabi ang Cori kaya "TODIE" ang tawag niya sa kin... Siya rin ang tinaguriang snatcher ng compound, kasi lahat ng magustuhan, kukunin ng dahan dahan tapos sabay takbo ng mabilis.. hahaha!
Liyanne Shamaye M. Martin a.k.a UNGGE
Ang pinaka-malambing sa lahat.. at sa ngayon, ang pinaka-malakas sa kin... marunong manglambing kaya talaga namang nakakatuwa.. Ang number one fan ni DORA... Sa ngayon, siya ang buntot ko... kahit san ako magpunta dapat kasama siya... masarap din naman kasama dahil hindi siya nagpapa-karga. Hindi pa magastos dahil, sopas lang ang gustong order sa Jollibee.. Hehehehe!
Lance Adrian M. Martin a.k.a DIDIAN
Ang pinaka-baby sa lahat.. at sa tingin ko ang pinaka-pogi sa ngayon.. bata pa lang kitang panalo na... Didian ang nickname kasi hindi masabi ni Shamaye na ADRIAN... hehehe! Kaya nga lang iyakin... Mukhang Buddha diba???
Sophia Danielle D. Gloria a.k.a SOPYA
Ang batang miss na miss ko na... Halatang magiging maarte to paglaki, mana sa nanay niya.. hehehe! Marami na ding palabas to ngayon, pero yun nga lang sa kwento lang at videos namin nakikita.. pero, kung pagandahan lang ang laban.... wala ng tatalo pa... sa kutis pa lang... (mana sa kin!) Ang gustong laro ay ang mga tall-tales tulad ng "Isang araw... si Sophia, naglalakad....lakad lakad lakad.." hehehe!!!!
At para sa mga hindi nabanggit... sila ang mga pasaway sa compound... ang mga makukulit!!! na talaga namang duduguin ka! hehehe!!!
0 Comment:
Post a Comment