Wow, ganda ng kuko ko... Ang katibayan na hindi ako naging pasaway ng lipunan at ako'y bumoto.. hehe!
Nagpunta kami kahapon sa Juan Sumulong Elementary School, lugar kung san kami boboto... dinala ko ang TIN ID ko, just to make sure lang if ever kailangan... Kasama sina Dadi at Momi (na hindi nagdala ng ID), nagpunta na kami,,, Ang Precint No. daw namin, na nakalagay sa binigay sa amin ng Barangay ay 450-D... Assuming (kasi) na 450-D din ang precint number ko, hinanap ko na ang pangalan ko... Nakita na 'yung pangalan ni Dadi... (kapag nakita kasi, for example #34, hahanapin lang sa Master List, may printed picture na dun, saka ka lang pipirma, at pwedeng bumoto), tapos pangalan na ni Momi.... Wow naman, 'yung sa kin???? Hinanap nila pangalan ko, ang sabi wala daw... At hindi daw nila pinahihintulutang makaboto ang walang pangalan dun... (Grrr, nagsisimula ng uminit ang ulo ko!) How come? Eh nakaboto ko last election??? Ako naman kasi, may voter's ID naman kasi ko, bakit di ko dinala! (kasi, tinatamad hanapin...) Ang point ko naman, ilan sa mga taga compound ay nakaboto na, hindi na daw kailangan ng voter's ID dahil hindi pa lahat na-issue-han.... As I was saying, naiinis na ko sa incharge na tao dun, (EPAL pa magsasagot!), ah haler, nag-irate na ko dun...
Cori: Eh pano yan? Hindi ako pwede bomoto?
Epal: Hindi po namin pinapayagan makaboto ang wala sa listahan namin!!! (Naka-ismid pa..)
Cori: So anong gagawin ko nyan??? (Kahiyaan na 'to)
Epal: Unless papakita nyo yung voter's ID ninyo...
Cori: Grrr! Uuwe pa ko??? Wag na hindi na ko boboto!!! Ano ba yang listahan na yan!!! Ang init init pababalikin pa ko!
So, umuwi ako at hinanap ang ID.... pagkakita ko... WAAAAT??? Precint No. 450-A pala ko.... Shet.. nakakahiya! Nag-iskandalo pa ko dun... nyay!!!
Nakaboto naman ako, in fairness... buti na lang sa ibang room ang 450-A... Pero di pa tapos yun..... Ang sabi ni dudong ng sila na ang boboto, tinanong sila ng babaeng EPAL, ah pinsan niyo ba yung babaeng nagwawala dito kanina? Hahaha, nagtawanan sila (mga pinsan ko) ... Grrr, nakakahiya talaga!!!
Ang moral lesson ng story, wag maging epal tulad ng babae.. kasi, may napapahiyang tao na tulad ko... (hahaha) kala niyo noh???!
0 Comment:
Post a Comment