Masarap balik-balikan ang mga nangyari sa 'tin nung tayo'y mga bata pa... Kelan lang ay napag-usapan naming magpipinsan ang tungkol sa mga nilaro namin dati... Wala kaming ginawa kung hindi tumawa ng tumawa.....
Simula:
BIOMAN - "Nung mga bata pa kami, sikat na sikat ang Bioman... Siyempre, papahuli ba naman kami.. Si Red One si Mong (Syempre Leader na lalaki, saka siya ang pinakamatanda), si Green Two si Dudong (Swerte siya kasi wala syang kaagaw dun), Si Pink Five si Rina (Isa pang swerte kasi nakatatanda, kaya walang kaagaw sa character niya.) Eto na ang mga kawawa... Si Blue Three, si Avin o kaya si Tomtom... at si Yellow Four, ako yun o kaya si Dadang... agawan sa character, kung malas malas ka dahil kagalit ka nila o kung hindi ka nagising ng maaga, malamang isa ka sa mga kalaban na hindi namamatay o kaya kapag bati ka ni Mong o kaya ni Rina, swerte mo kasi kakampi ka.... (hehehehe)
OKAY KA FAIRY KO - Ay syempre, isa din sa mga sikat ito nung kapanahunan namin... Hulaan nyo, syempre si Rina ule ang bida... siya si Fey at si Mong si Enteng... Hmmm... ano kaya kami? Engkantada naman... hehe... May kwento ako, totoong nangyari to ha...
Isang hapon, habang naka-upo kami sa owner ni Tatay Obet....
Rina: Cori, nakikita mo ba 'yung bola na 'yun?
Cori: Oo...
Rina: Nakikita mo ba si Luka?
Cori: Hindi eh.. (Nagtataka.. wala naman kasi makita...)
Rina: Hindi ka tunay na engkantada kapag hindi mo nakita...
Cori: Oo nga noh... ayun si Luka! (hahaha, maging engkantada lang...)
SHAIDER at ANNIE - Isa sa mga larong ayoko... kasi dalawa lang ang bida... Si Shaider syempre, si Mong at si Rina, ay si Annie.. (Anong bago?) At kaming mga kawawa... kumakanta ng "Shigishigiwa shigishigi uwa.. Shigi shigi...." Syempre.... kalaban na naman... haaaay!
TAGUAN - Dito na nagkakatalo... syempre pagalingan magtago... eh maliliit pa kami nun kaya masarap sumiksik sa mga gilid, umakyat sa puno, lumigid sa likod, sampahan ang mga nakaparadang sasakyan, magtago sa bahay (kahit nagagalit na mga nanay at tatay namin), at balago-ongin ang taya...
PATINTERO - Ditong laro, malas mo kapag kakampi mo si Mong... Naninisi kasi lalo na kapag ikaw dahilan ng pagkakataya ng team nyo.. Madalas ako ditong, pang lansing lang ng bantay sa batoto.. tapos, sila na bahalang maka-score... ang saya diba? hehehe...
FOOTBALL - Haay, mahina ako sumipa ng bola kaya laging sa number 1 lang ako nakakapunta... ang swerte mo na kapag naka-home run ka.. wala yata akong matandaan na nagawa ko yun... Ang malakas sumipa, ay si Mong.. (kasi naka Islander na tsinelas eh.. hehe)....
BATUHANG TAO - Nakakapagod 'tong larong to eh.. Kung hindi ka "Saling-Kit"... In fairness, sa pagkaka-alam ko, na-save ko naman mga kakampi ko dati... bwisit na "flying" yan... nakakahingal... Forever ka yatang magtatatakbo muna, bago ka batuhin... dapat ang pangalan nito... "Flying Tao" eh.....
BENTE UNO - Ang nakaka-kabang laro... ayoko nito eh, pero.. no choice kapag hindi ka sumali... hindi ka nila "bati"... ano gusto mo "In or Out"??? hehehe...
BLACK ONE TWO THREE - Masaya to... kasi may team effort.. (nga ba?) hehehe, tadtad ka ng sigaw.. lalo na kapag ikaw na lang ang hindi natataya sa team niyo... buti naman, lagi akong unang nahuhuli...
...Sobrang dami na ng mga nalaro namin... tulad ng iba't ibang sports... Golf, Darts, Basketball (H.O.R.S.E), Bente Uno at Onse Onse... Meron din naman 'yung mga wala ng malaro kasi umuulan... tulad ng "amuyan ng pwet", ang malas mo kapag kay Avin ka natapat.. (umuutot kasi yun e!) Hindi din naman malilimutan ang mga "Duhat Days" namin... nagagalit na ang mga naglalaba kasi puro mantsa na ng "Dagta ng Duhat" ang mga damit namin... Ang paglalaro namin ng Tinda-tindahan, plato-platuhan.. Takeshi's Castle, Touched Taya, Monkey Monkey, Langit Lupa, Teleber-teleber, One in One, Chinese Garter, Ten Twenty, Shagidi-Shagidi, Pass the Message, Touched the Color, Piko, Habulan sa Guhit at madami pang iba...
Isasama ko na din ang pagsama namin kay Tatay Obet sa Airlink kapag nagdedeliver sya ng order na baboy.. after ng airlink, dadalin nya kami sa "DAGAT" (na ngayo'y baywalk na ang tawag).. maliligo kami pero wala kaming pang-palit ng damit.. kasabay mo mag-swiming yung mga insekto na makikita mo sa bato-bato... tapos, uuwe kami na nakasakay sa "owner" ni tatay obet na nanginginig kasi, giniginaw dahil basa ang mga damit namin... hahaha!
Sobrang saya ng childhood ko... masaya dahil na din sa mga pinsan ko... na kasabay kong lumaki.. (ay, sila lang pala ang lumaki..hehe) Masarap balik-balikan ang mga kwentong ito.... kahit hanggang ngayon, lagi namin ni-rereminisce ang mga iyon...
CORI - Negra; Demonyita
DUDONG - Tadtad ng pulbos buong katawan kasi madaming "bungang-araw"
DADANG - Adiswa-adiswe; Kumakain ng Ipis; Kumakain ng bubble gum na niluwa na
LENLEN - Daypu; Bantutin; saka Iyakin
AVIN - Taning
TOM - Mumu
MIKO - Kulangot; Ilong
MAITHA - Maitha-e
RINA - Di ka bati kapag wala kang Taho
MONG - The "SISI" Boy
Sana sa mga susunod na generations dito sa Tolentino Compound, may makakapag-kwento din ng mga ganito... Good luck na lang kina Kiko, Neneng, Erika, TinTin, Jan-Jan, Owen, Ej, Betong, Olens, at Shamaye...
0 Comment:
Post a Comment