The Drama of V-Day!

on Sunday, February 8, 2009
Sa totoo lang, ngayon lang ako ulit makakaranas ng Valentine's Day.. 'yung totoong V-day ha.. (Ano ba 'yung totoo? Syempre 'yung kasama mo eh boyfriend mo) Well, sa mga alam ang aking previous love story, ehhh, gets nila kung ano ang sinasabi ko. I remember some of my past V-Days were usually with a friend. He took the liberty (as always) for a dinner treat. Casual dinner lang, para naman daw hindi ako nag-iisa. Haha.. (Palibhasa siya nag-iisa din)... Thank you sa'yo! Before naman kasi, walang ka-effort effort si "he who is not to be named"... 'yung tipong maka-receive man ako ng flowers, magkano lang naman 'yun. Minsan pala talaga, hahanap-hanapin mo 'yun... Meron ngang conversation once kami ni Ate, sabi ko "Buti si Apee consistent magbigay ng bouquet of flowers, kahit nasa ibang bansa na.. " Ang sabi ni Ate, "Oo nga, 'yun nga lang minsan, nasasanay ka na, lagi mo ng i-eexpect na dapat may flowers every occassion..."(well, Ate, happy problem naman 'yun, hehe) Pero hindi nga, i'm not saying na sa buong talambuhay ko eh hindi pa ko nakaka-receive ng flowers, nakatanggap naman ako, really! 'Yun nga lang very few... hindi kasi nakasanayan kaya hindi na-obliga! Haha!

Anyway, this 14th, ayoko namang makigulo pa sa mga lovers na may-DIT din... ayoko na lumabas para kumain sa labas... kaya ang plans lang namin sa bahay lang... bahay nila! Spend time with each other, kahit pang sabihin nila na non-sense ang occassion na 'to, since pwede naman daw maging araw-araw Valentine's, what the heck, mga nagsasabi nun "haters"... hahaha!

Really, as what I am always saying.... I'm so lucky to have a very LOYAL, thoughtful, caring, patawewe, mapang-asar, mapang-puna, makulit, pasaway at higit sa lahat........ MAPAGMAHAL na partner. (Ang corny ko na ba? hehe)

Sa lahat, Advance Happy Valentine's Day... enjoy the day! Kasi ako, MAG-EENJOY AKO!!!

3 Comment:

Garetski said...

maligayang araw ng mga PUSO! :)

[vayie] said...

Okay lang yan, Cori. Sige lang, celebrate Vday. Wala namang masama `dun eh. OA lang naman `yung mga singles na kesyo dapat may survival guide daw on Valentines' Day. Sabi mo nga, nung unattached ka, cool lang din sa iyo.

Cori said...

hmmm.. hindi ko na yata maalala na unaatached ako kapag Vday.. attached pero hindi ko kasama... hahaha!

Anyway...

Happy Valentines day!