A year that was...

on Saturday, December 29, 2007
Balikan ko mga nangyari sa 'kin ngayon taon....

January: Taong Update... Masaya... Malungkot.... Magulo... Birthday nina Momi ang Dadi, nandito sila Tita Vangie sa Pinas. Namili ng pasalubong para sa mga kamag-anak sa Disyerto.

February: Hell.. Pinaka-ayokong month... For the reason na ako na lang ang nakaka-alam... Nakaka-inis, nakaka-pikon... mas magulo.... Celebrated Valentine's day with friends...
March: Nag-resign sa Update! Excited ako sa bago kong work... B-I-N-G-O dito sa compound with mga pinsan! Ang simula ng pagka-adik sa Volleyball... Ang pagkakatuklas kay Ateng Tapsi, na pinanay-panay ang pagkain ng tapsilog gabi-gabi..

April: Oh men, ang simula ng kalbaryo sa kumpanyang kupal! hehehe... 20 days na paghihirap... di ko kinaya,,, kaya resigned ako ule.... kaya... BUM ako for the first time.... pahinga...vacation... wow, ang sarap! Gigising ng tanghali... kain, alis,,, nood dvd, tv, computer.... saraaaaap ng buhay!

May: Nagsisimulang mainip sa bahay,,,, hinahanap ang trabaho.... pero, tinatamad mag-apply! Ice candy for sale... (kelangan para sa maintenance ng kekek ko, huhu!) Bahay lang.... vacation pa din... BUM pa den...
June: Inaya ako ni Ahnne mag-apply sa Brownies... sige, go ako! Natanggap naman... Katakot-takot na paghihirap sa pag-aasikaso ng requirements... Dinaig ang enrolment ng PUP, in fairness... Lahat na yata ng pwedeng maging requirements, eh kelangang i-submit sa kanila... Name it... Well, start na ule mag-work, ang dating Ayala girl, naging Eran St. girl.... Bus ang sinasakyan tuwing umaga... imbis na kanto ng M. dela Cruz, naging kanto ng Cabrera... nakaka-panibago... may uniform, may pasok ng Sabado.... May mga naka-away, nakasundo, naging bagong friends, bagong boss, bago lahat...
July: Sabi ko sa sarili ko....... Hindi ako dito mag-grow! Paurong.... Ayoko dito... kaya.... RESIGNED na naman ule ako.... Sa pangalawang pagkakataon... Haaaaay..... Dumating sila ate, dito muna sila habang naglalakad ng papers nila sa Sweden... Masaya kasi nandito din ang Bebi namin.... Si Sophia, na ayaw sumama sa amin,,, laging nakadikit sa nanay niya,,, One year old na din ang Bebi kong si Kekek,,, hanggang ngayon "taktak mo" pa den ang alam na trick.. hindi na nadagdagan.. hehe! 9th year anniversary din namin ni Pugo...

August: BUM... ako ay isang BUM! Nandito sa bahay, bakasyon na naman... nawili naman ako... same thing ang nangyayari sa araw-araw ko, gigising... punta kay Sophia, kwentuhan, nood tv, dvd... Sira ang pc kaya walang internet... Si Banker ang kasama ko buong maghapon... Kausap ang Pugo ko!
September: Braces.... ang sakit ng pagkakaroon ng braces naranasan ko na... Talaga naman palang masakit! Ber month na, excited sa Pasko... Not a very good month for us kasi namatay si Acoy... Umuwe si Tita Vangie.... Inasikaso ang burol at libing ni Acoy... wla pa ding trabaho... at wala pa ding balak mag-trabaho... pinabalik sa Update ng isang araw para tumulong... ok Go ako! Na-miss na naman ang trabaho... Na-miss ang work space ko... Arggg!

October: Busy sa pag-asikaso ng Invitations para sa kasal ni Kuya Paolo... Walang ginawa kundi mamasyal with family kasama si Tita Vangie... Ayos! Bagong PC... Thanks Tita! Woohoo! Birthday ni Sophia sa Kids at work! Tinawagan ni Sir Aphat.... Help daw sa Red Chef... hesitant ng una.. iniisip ko, ready na ba ko mag work ule? haha, 1 month lang kasi palagi quota ko sa past 2 companies na pinagtrabahuhan ko.... What the heck,,, sige GO! Masaya naging outcome... Nag-enjoy ako.... Birthday bash ko courtesy of our Tita Vangie ule... ginawa sa Music 21... Videoke to the max... masaya... dami na ko utang kay Tita! hehe!
November: Undas... bantay sa puntod ni Acoy... may schedule ng Vigil... at Nakaka-1 month na ko.... woohoo! in fairness! Tahimik ang buhay.... same same! Taong Pier na ko! Roxas Boulevard ang araw-araw na nakikita... imbis na Ayala Ave., Baywalk ang binabaybay! Bagong friends.... Bagong kaasaran.... Masaya!
December: Pasko na.... woohoo! Masaya naging turn-out ng Pasko namin,,, May V-league dito sa Compound.. at natalo kame... ok lang... nag exchange gift, nag-enjoy! Sumweldo sa parami namin (haaay, natapos din), ang memorable na IT Christmas party... ang Red Chef Christmas Party part 1 and 2... ang pagka-panalo ko ng Electric fan sa raffle namin sa office.. hehehe! Masaya!


Kung tutuusin, makulay ang taon na 'to para sa akin... ang daming nangyari... masasaya.. malulungkot...at masasaya ule... ibang-iba sa nakaraang taon... basta thankful ako.... sa family ko at sa Pugo ko... Mababaw lang naman tlaga kaligayahan ko e.. hindi ba halata? :)

Makati... no more! 12.20.07

on Friday, December 21, 2007
Ano na kaya itsura ng Ayala? Sa araw-araw, Roxas Boulevard na ang nakikita ko... ang dinadaanan ko... Ok kasi, less ang traffic... Less ang hassles ng pagsakay ng jeep.. 3 rides ako dati papasok... ngayon, dalawa na lang... Ang dating sinusumpa kong Buendia (dahil sa sobrang traffic at sa jeep na nag-aantay ng pasahero)... ngayon, nami-miss ko na! Hindi ko nga nakita ang mga Christmas lights ng Ayala... (ok lang, madami din naman ilaw ang Baywalk...)

madami akong nami-miss:
...ang pagsakay ko ng jeep ng washington
...ang paglalakad ko from washington to herrera (kapag late na)
...ang barker ng Ayala (na kamukha ni Sophia nung baby)
...ang pagkain ko ng fishballs, squid balls at chicken balls sa baba ng building
...ang ice cream ng mini stop
...ang tunog ng fax tone
...ang mackim
...ang CR ng 24th floor
...ang Jolly Jeep at Binalot
...ang sirang office chair
...ang jurassic na PC
...ang air-con na mainit
...ang trainings sa Dusit
...ang mga waiters ng DUSIT
...ang TMAP
...ang paghakot ng gifts sa Christmas party ng TMAP
...ang in-house trainings
...si manong na nagtitinda ng yosi at candy (na may nakasabit sa leeg nyang E-LOAD available)
...ang work space ko (na minsan maayos.. kadalasan magulo)
...ang mga pang-babanas ng mga katrabaho ko at ang pagpapatawa nila
...ang UPDATE, namimiss ko!

pero, masaya ako kasi:
...gusto ko ang ginagawa ko
...mababait mga katrabaho ko
...nakaka-aliw din sila
...may mga bago akong friends
...bagong kaasaran
...bagong culture
...madaming free food
...madaming bagong natututunan
...mababait ang boss ko
...masisipag mga katrabaho ko
...stressful (pero i can manage)
...mahaba ang working hours pero "busog"
...walang pasok ng weekends (woohoo!)
...fine dining... araw araw!

Sabi nga sa Charmed: (season 8: Forever Charmed)

Patty: i know everything happens for a reason...and i also know that when a door closes, the other one opens..."

"MAKATI NO MORE...........HELLO MANILA!!!!

*** Kinunan ko ng picture kanina, papasok sa work.... Blurred eh, kung nakikita nyo, nakasulat sa street sign "ROXAS BLVD."***


Photographer! 12.05.07


101107_1005021207_0848021207_0847_1











Ang bebi namin, malaki na talaga... marunong ng mag-picture mag-isa... 'Yun nga lang, medyo hirap pa siya sa anggulo... hehehe! Look.....

Magugulat ka na lang, pagtingin mo sa cellphone mo, puro pictures na niya... hehehehe! Manang mana kay ninang, mahilig sa picture! Good job Sophia! :)

Ang kwarto kong Magulo! 11.23.07

Bakit ba ko ganito? Ang gulo ng kwarto ko... Normal na to sa kin.. Gusto kong baguhin, gusto kong ayusin, gusto kong i-maintain...pero, hindi ko magawa... Sabi ko, Ok lang naman, wala naman ako kasama sa kwarto ko eh.. Ako lang naman ang nakakatiyaga.. Dito lang naman ako ganito... pero kung sa trabaho, maaayos naman files and work space ko.. (Bakit ko jina-justify?)

Anyway, I'm about to clean my room.. Dapat last week pa, tumawad pa ko sa nanay ko! Look at my before pics of my room... I-post ko yung after pics... Sana may pagbabago... hehehe!

241107_0752 241107_0751 241107_0750_1











Wish me luck... Kasi kailangan ko talaga ng LUCK! :)

One Rice! 11.17.07

OO, inaamin ko, matakaw talaga ko... lalo na sa KANIN! Parang nanghihina ako kapag hindi ako nakakakain ng kanin... kahit konting ulam lang basta madaming kanin... Proud din akong sabihin na matipid ako sa ulam... Isa 'yun sa mga nakasanayan naming magkakapatid... ang magtipid sa ulam! Sa mga lubos na nakakakilala sa akin, isa lang ang masasabi sa 'kin.... para akong "construction worker" kung kumain... o 'yung mga tipong "kargador sa pier"... (sa bagay, bandang pier naman ako nagtatrabaho eh.. hehe)

Natutuwa naman ako sa mga nakakasabay kong kumain, kahit nag-rereduce sila, napapalakas silang kumain... sabi nila, nakakagana daw akong pagmasdan...

share ko lang... kahapon, mag-breakfast ako sa work ko.. (masarap kasi libre pagkain.... anything you want) Nagpakuha ako sa katrabaho ko... sabi ko:

Cori: Cesar, kuha mo naman ako food... "One Rice" lang ha...
Cesar: Ok.. anong gusto mo ulam?
Cori: Kahit ano....

Pagkalipas ng ilang minuto...
Cesar: Cori, one rice ka lang diba?
Cori: OO.
(Pagkakita ko sa kanin ko, One rice nga.... pero ang ginamit na pantakal, eh isang malukong na malaki... equivalent nya siguro, mga 4 1/2 rice... ang mga loko-loko talagang 'yung, napag tripan na naman ako....)

Cori: Nyay! Ano yan?
Cesar: Sabi mo one rice.... hahahaha!

Di ko na napigilang tumawa... mga walanghiyang 'yun... si mismong Chef Tolits ang nagsandok pala nun... kilala na daw nila ko na matakaw kaya wag na daw ako magpanggap... hehehe. (in fairness, 3/4 lang ang nakain ko dun.. yng 1/4 pinamahagi ko na sa kanila... nahiya pa ko eh noh? hehehe)

To give you an idea, pinicturan ko.... hehehe!

Eto ang normal na takal ng kanin...



















At eto ang sinandok nila sa'kin...



















Naman, mas malaki pa sa malukong ng ulam... Look!

Amoy Pasko na naman!!! 11.10.07

Naaamoy ko na ang pasko... malapit na talaga... Sino bang hindi excited kapag dadating na ang Christmas? Kahit yung iba sinasabi na magastos ang pasko, aminin man nila't hindi, MASAYA talaga! Sobrang bilis ng araw... natatandaan ko pa mga nangyari last christmas... tapos ngayon, eto na naman!

Kung tutuusin, pare-pareho lang naman ang mga nangyayari kapag magpapasko... Kapag September 1 na, sasabihin "BER month na! Unti-unti kang may maririnig na Christmas Songs sa radyo... sa TV, may mga commercials na pasko na ang theme.. pero konti pa lang... pinapasabik ka lang kumbaga... Kapag October na, mejo halloween muna ang sikat.. puro mga nakakatakot ang palabas... sayang nga eh, wala ng "Magandang Gabi Bayan"... isa pa naman yan sa mga pinakaka-abangan naming magpipinsan nung mga bata pa kami... dati pa nga, sabay-sabay kaming nanonood nyan, tapos after manood, magkwekwentuhan na kami ng mga nakakatakot... November 1, puntahan sa sementeryo... ang iba dito na lang sa bahay magtitirik ng kandila.. syempre, mawawala ba 'yung paglalaro ng kandila... yung tipong kukunin mo yung mga upos ng kandila, tapos gagawin mong bola... (naku, galit na galit ang mga kj na magulang namin)...... after ng Undas, start na kami magkabit ng mga Christmas decors... heaven ang feeling... di ko alam kung bakit, pero excited talaga ko kapag nakikita ko na yung mga Christmas lights, Christmas Tree, etc etc... Tapos, bago mag Simbang Gabi, magkakabit na ang nanay ko ng kurtina, sapin sa upuan, at kung ano-ano pa, na tuwing magpapasko mo lang makikita.... Nung nag-aaral pa ko, excited ako magpasko kasi madami akong "Aguinaldo" na matatanggap.... Ngayong nagtatrabaho na ko, excited ako sa Pasko kasi may "BONUS" saka "Aguinaldo" ule... hehehe! Sino may sabing kapag may trabaho na, bawal na bigyan ng "pamasko"??? hehehe! Isa pang inaabangan ko, ay yung pagbili namin ng damit na pang-FAMAS (Pang pamaskong damit).... Dapat dalawang set na bago, isang pang Christmas at isang pang New Year! Madami ngang nagsasabi sa kin, "bakit kailangan mo pa ng bagong damit?" eh ano naman, para kasing kulang kapag wala kang bagong damit.... diba? May nakaka-relate ba naman ba sakin? hehe! Usually, namimili ako ng mga regalo kapag December 23 na, kadalasan sa Greenhills na... kung maramihan, makakatawad ka pa... sa dami ba naman ng inaanak ko, kelangan ko talagang baratin 'yung tindera...Lalo na ngayon, nandito pa si Sophia, dagdag regalo... hehehe!.... May exchange gift at Christmas Party dito sa compound, MASAYA!!! Well, may ibang aabangan ngayon, magkakaroon daw ng "VOLLEYBALL TOURNAMENT", with cash prize and trophy... san ka pa? :) Ibang level... hehe! Goodluck!

Excited na ko... halata ba? Sobra!!!!

Check! 09.20.07

September 20, 2007

Check!

Follow up on June 7, 2007 post:

Last June 7, I came up with a list ng mga gusto at kailangan ko... Let's see kung may progress.. :)

1) z610 na pink... hmmm, until now ganun pa din ang cellphone ko, razr v3i.. pede pa naman... kaya lang sa sobrang gamit, naghihingalo na din ang keypad... pero in fairness (pronounced as im ferness), I still love my phone... kaya, ok lang...

2) Digicam... hindi ko gaano crave, as of now.. pero siguro soon!

210907_0049_1 3) New charger for my v3i... thanks Ate for making this happen.. hehe, well, pamana.. she kept her promise na sa akin na lang 'yung charger niya, 'yun nga lang phone, kay momi napunta... :)

4) Black Shoes... as of now, hindi ko siya kailangan, maybe, i'll take this off my list..

210907_0052 210907_0055 5) Flip Flops... yehey, according to my previous blogpost, necessity sa kin ang flip flops.. ang sarap naman talaga kasing umalis ng naka-tsinelas... lalo na kapag mahabang lakadan. (from left: Havaianas, Keds)

210907_0045 6) Ipit... i'm trying my best na hindi maging parang disposable sa kin ang mga ipit ko... pati mga head bands ko, i try na hindi siya maging pakalat-kalat... naku, good luck naman sa kin.. (hindi naman halatang mahilig ako sa head bands?)

210907_0053 7) Lap top... naman! Medyo imposible yatang magkaron ako nito sa ngayon.. pero, feeling may lap top na din ako, thanks sa nagpapahiram ng laptop nila... :) kaya, pinicturan ko na din... feeling ako eh... hehehe... (gateway)

8) New Bed... saka na 'to... masarap pa din namang higan ang kama ko... im fernessssss....

210907_0048 9) Bag... Ay thanks kay Ate ule for making this possible... isa sa mga bagay na talaga namang paborito ko... (brown: Tommy Hilfiger and Dooney & Burke, pink: Kipling, green: Tommy Hilfiger and Terranova)... Ung Terranova ako lang bumili nun, sale lang eh... hehe, pero the rest, TY kay Ate..)

210907_0050 10) Wallet... Hulaan niyo sino may bigay ng wallet ko? Produkto ng package.. hehe, ang cute! (Fossil)





Gusto ko lang i-acknowledge ang Pugo ko for giving me precious gifts na talaga namang na-aappreciate ko... (some of them, like yung ibang lotion, colognes & perfumes were given by friends, office mates, mga mababait na tao, ate, etc.) Sobrang love ko mga 'to....210907_0058_1 210907_0059 210907_0103 210907_0101








Some of my favorite things na binili ko... (wow, may binili din pala ko kahit papano...hehe) Sa Quiapo ko lang nabili to pareho eh... :)

210907_0102 210907_0056
- - Necklace with heart na pendant tapos, may bling.. ang cute!

and

- - Sitti Live! Iba talaga dating ni Sitti... Astig!

So anong katuturan ang meron nitong blog post ko ngayon??? hehe, WALA!!!

Trip ng Askal 09.04.07

Minsan na nga lang ako maglaba... ganun pa ang nangyari... Makulimlim na ang langit nun, nag-isip ako kung itutuloy ko pang labhan ang damit ko.. ayokong ipalaba sa iba kasi BAGO.. takot akong mahawahan o lumuwag ang damit. Kaya sabi ko, GO, maglalaba ako... Tuwang-tuwa ako kasi binigyan ako ni Ate, in fairness, gustong gusto ko talaga yun..

Atlast, tapos ko na, sinampay ko siya sa labas (kung saan sila nagsasampay)... Akalain mo nga naman... kinabukasan, ginising ako ni Momi, naalimpungatan ako, pumunta daw ako sa sampayan, kinagat daw ng kupal na ASO 'yung nilabhan kong damit.. Ang galing pa mamili nung asong naligaw lang sa compound namin, yung bago pa! Anakanang nga naman... Asar na asar talaga ko, pero, anong gagawin ko? Gusto kong hagilapin yung pesteng asong yun, at sabihin sa kanya, AYOSSSSSS ka naman Boy! Hehehe.,,, at ngayon, ang kawawang ROXY, parang kinain ng shark... look.... f#cK!!!

Nasaan na ako? 07.21.07

Who says na malayo ang NOVALICHES??? Eh katabi lang ng ZAPOTE e... hehehe! Habang binabaybay ko ang J.P Rizal, hindi sinasadyang napatingin ako kung anong street na ako... natakot ako kasi, pagkabasa ko nasa "Novaliches" na ko! WAAAAT?? Natawa na lang ako... bigla ko kasi hinanap kung saan 'yung "BAYAN"??? Balak ko na nga magtanong kung malapit ba ko sa kabihasnan e... :)

200707_1418_1

Pagbilan nga po... 06.07.07

1) Z610 Pink

Ay grabe, gusto ko talaga nito. Lagi namin tong tinitignan ni nge, everytime na nasa mall kami.. Ang cute nya, kasi pink. Pero syempre, hanggang tingin na lang muna ko.. hehe.. ok pa naman ang cel ko eh, ang sabi nga ng mga mapagpanggap.. basta nakaka-text at tawag ang celphone mo, ok na yun... In fact, bonus na lang ang pagkakaroon mo ng camera, video recorder, mp3, at memory card ng celphone mo! blah blah... hindi naman parang niloloko ko sarili ko nyan? hahaha!

2) Digicam

Well, meron pa naman akong digicam dito, nagagamit naman siya, 'yun nga lang nakaka-ubos ng pera ang battery. Kasi double a pa din ang battery niya.. at medyo malaki siya. Eh ngayon, paliitan na ng digicam. Hindi naman sa nagrereklamo ako, love ko yung digicam namin kasi pamana pa yun ni tita vangie kay ate na napunta sa kin. Sentimental value na lang ang pinaglalabanan. Hehehe!

3) New Charger for my V3i

Hindi ito isa sa mga luho ko, dahil necessity na talaga siya. May topak na talaga ang charger ko. Kailangan pang ipa-ikot ikot ang kurdon sa celphone ko, para lang mag charge. Ang mahirap nga lang, hindi mo siya dapat pwede galawin, at ibahin ang pwesto, kundi, pahirapan na naman... eh pano na lang kapag may nagtext? Imagine that!

4) Shoes

Wala lang, gusto ko lang ng new shoes, kasi para sa bago kong trabaho. Maarte sa shoes ang papasukan kong trabaho. Bawal ang tsinelas/sandals/flip flops whatever they call it. Ang lupit ng gwardiya! Parang mangangain ng tao. Hehehe!

5) Flip flops

Necessity rin sa kin 'to eh. Tsinelas ng bayan ang mga tsinelas ko dito. Nagkalat. 'Yun nga lang, pahirapan maghanap ng ka-partner. Hay, ang burara naman kasi eh. Pag nahanap mo ang kapareha, sige, sayo na!

6) IPIT

Isa sa mga disposable kong gamit. Isang beses ko lang kung gamitin kasi nawawala. Extended din ang mga ipit ko, from momi to kekek to shamaye to melissa to everybody... Well, ganun din naman ako sa kanila... Sakit ko na nga yata talaga yun..

7) LapTop

Ano to? Ambisyosa? Eh ano, wala naman bayad ang mangarap... hehehe! Umaasa na lang ako sa mga mababait na tao diyan, na nagbabalak na mag upgrade ng laptop niya... Woohoo... Parang sa states, mas maganda ang APPLE... wala lang, share ko lang! hehehe!

8) New Bed

Wow, ilang beses na kong nag canvass sa Libertad ng bagong kama. Anong petsa na? Kamusta naman yon? hehehe! Hindi naman sa sira na ang kama ko, nag-iinarte lang ako.. hehehe! Binalak pa namin bumili ng double deck ni momi.. wala din nangyari, sayang lang kasi. Tutal, in the near future, kay nge na rin 'tong kama ko... (kung nakakapagsalita lang 'tong kama, sasabihin nun, maawa na kayo sa kin, pagretiruhin nyo na ko) hahaha!

9) Bag

Hmmm.. nag-aantay na lang din ako ng rasyon nito.. Siguro by July 8, madami na naman akong bag. Bakit kaya? hehe!.

10)Wallet

Para san? Wala lang... makumpleto lang ang sampu.. hehe. Gusto ko lang!

KEKEK 05.19.07

Image008Image006 151006_1906 181106_0858171206_1656 261106_2041 040307_1452 060107_1424 211206_0652Kekek6 240207_1405 100507_2054