One Rice! 11.17.07

on Friday, December 21, 2007
OO, inaamin ko, matakaw talaga ko... lalo na sa KANIN! Parang nanghihina ako kapag hindi ako nakakakain ng kanin... kahit konting ulam lang basta madaming kanin... Proud din akong sabihin na matipid ako sa ulam... Isa 'yun sa mga nakasanayan naming magkakapatid... ang magtipid sa ulam! Sa mga lubos na nakakakilala sa akin, isa lang ang masasabi sa 'kin.... para akong "construction worker" kung kumain... o 'yung mga tipong "kargador sa pier"... (sa bagay, bandang pier naman ako nagtatrabaho eh.. hehe)

Natutuwa naman ako sa mga nakakasabay kong kumain, kahit nag-rereduce sila, napapalakas silang kumain... sabi nila, nakakagana daw akong pagmasdan...

share ko lang... kahapon, mag-breakfast ako sa work ko.. (masarap kasi libre pagkain.... anything you want) Nagpakuha ako sa katrabaho ko... sabi ko:

Cori: Cesar, kuha mo naman ako food... "One Rice" lang ha...
Cesar: Ok.. anong gusto mo ulam?
Cori: Kahit ano....

Pagkalipas ng ilang minuto...
Cesar: Cori, one rice ka lang diba?
Cori: OO.
(Pagkakita ko sa kanin ko, One rice nga.... pero ang ginamit na pantakal, eh isang malukong na malaki... equivalent nya siguro, mga 4 1/2 rice... ang mga loko-loko talagang 'yung, napag tripan na naman ako....)

Cori: Nyay! Ano yan?
Cesar: Sabi mo one rice.... hahahaha!

Di ko na napigilang tumawa... mga walanghiyang 'yun... si mismong Chef Tolits ang nagsandok pala nun... kilala na daw nila ko na matakaw kaya wag na daw ako magpanggap... hehehe. (in fairness, 3/4 lang ang nakain ko dun.. yng 1/4 pinamahagi ko na sa kanila... nahiya pa ko eh noh? hehehe)

To give you an idea, pinicturan ko.... hehehe!

Eto ang normal na takal ng kanin...



















At eto ang sinandok nila sa'kin...



















Naman, mas malaki pa sa malukong ng ulam... Look!

0 Comment: