A year that was...

on Saturday, December 29, 2007
Balikan ko mga nangyari sa 'kin ngayon taon....

January: Taong Update... Masaya... Malungkot.... Magulo... Birthday nina Momi ang Dadi, nandito sila Tita Vangie sa Pinas. Namili ng pasalubong para sa mga kamag-anak sa Disyerto.

February: Hell.. Pinaka-ayokong month... For the reason na ako na lang ang nakaka-alam... Nakaka-inis, nakaka-pikon... mas magulo.... Celebrated Valentine's day with friends...
March: Nag-resign sa Update! Excited ako sa bago kong work... B-I-N-G-O dito sa compound with mga pinsan! Ang simula ng pagka-adik sa Volleyball... Ang pagkakatuklas kay Ateng Tapsi, na pinanay-panay ang pagkain ng tapsilog gabi-gabi..

April: Oh men, ang simula ng kalbaryo sa kumpanyang kupal! hehehe... 20 days na paghihirap... di ko kinaya,,, kaya resigned ako ule.... kaya... BUM ako for the first time.... pahinga...vacation... wow, ang sarap! Gigising ng tanghali... kain, alis,,, nood dvd, tv, computer.... saraaaaap ng buhay!

May: Nagsisimulang mainip sa bahay,,,, hinahanap ang trabaho.... pero, tinatamad mag-apply! Ice candy for sale... (kelangan para sa maintenance ng kekek ko, huhu!) Bahay lang.... vacation pa din... BUM pa den...
June: Inaya ako ni Ahnne mag-apply sa Brownies... sige, go ako! Natanggap naman... Katakot-takot na paghihirap sa pag-aasikaso ng requirements... Dinaig ang enrolment ng PUP, in fairness... Lahat na yata ng pwedeng maging requirements, eh kelangang i-submit sa kanila... Name it... Well, start na ule mag-work, ang dating Ayala girl, naging Eran St. girl.... Bus ang sinasakyan tuwing umaga... imbis na kanto ng M. dela Cruz, naging kanto ng Cabrera... nakaka-panibago... may uniform, may pasok ng Sabado.... May mga naka-away, nakasundo, naging bagong friends, bagong boss, bago lahat...
July: Sabi ko sa sarili ko....... Hindi ako dito mag-grow! Paurong.... Ayoko dito... kaya.... RESIGNED na naman ule ako.... Sa pangalawang pagkakataon... Haaaaay..... Dumating sila ate, dito muna sila habang naglalakad ng papers nila sa Sweden... Masaya kasi nandito din ang Bebi namin.... Si Sophia, na ayaw sumama sa amin,,, laging nakadikit sa nanay niya,,, One year old na din ang Bebi kong si Kekek,,, hanggang ngayon "taktak mo" pa den ang alam na trick.. hindi na nadagdagan.. hehe! 9th year anniversary din namin ni Pugo...

August: BUM... ako ay isang BUM! Nandito sa bahay, bakasyon na naman... nawili naman ako... same thing ang nangyayari sa araw-araw ko, gigising... punta kay Sophia, kwentuhan, nood tv, dvd... Sira ang pc kaya walang internet... Si Banker ang kasama ko buong maghapon... Kausap ang Pugo ko!
September: Braces.... ang sakit ng pagkakaroon ng braces naranasan ko na... Talaga naman palang masakit! Ber month na, excited sa Pasko... Not a very good month for us kasi namatay si Acoy... Umuwe si Tita Vangie.... Inasikaso ang burol at libing ni Acoy... wla pa ding trabaho... at wala pa ding balak mag-trabaho... pinabalik sa Update ng isang araw para tumulong... ok Go ako! Na-miss na naman ang trabaho... Na-miss ang work space ko... Arggg!

October: Busy sa pag-asikaso ng Invitations para sa kasal ni Kuya Paolo... Walang ginawa kundi mamasyal with family kasama si Tita Vangie... Ayos! Bagong PC... Thanks Tita! Woohoo! Birthday ni Sophia sa Kids at work! Tinawagan ni Sir Aphat.... Help daw sa Red Chef... hesitant ng una.. iniisip ko, ready na ba ko mag work ule? haha, 1 month lang kasi palagi quota ko sa past 2 companies na pinagtrabahuhan ko.... What the heck,,, sige GO! Masaya naging outcome... Nag-enjoy ako.... Birthday bash ko courtesy of our Tita Vangie ule... ginawa sa Music 21... Videoke to the max... masaya... dami na ko utang kay Tita! hehe!
November: Undas... bantay sa puntod ni Acoy... may schedule ng Vigil... at Nakaka-1 month na ko.... woohoo! in fairness! Tahimik ang buhay.... same same! Taong Pier na ko! Roxas Boulevard ang araw-araw na nakikita... imbis na Ayala Ave., Baywalk ang binabaybay! Bagong friends.... Bagong kaasaran.... Masaya!
December: Pasko na.... woohoo! Masaya naging turn-out ng Pasko namin,,, May V-league dito sa Compound.. at natalo kame... ok lang... nag exchange gift, nag-enjoy! Sumweldo sa parami namin (haaay, natapos din), ang memorable na IT Christmas party... ang Red Chef Christmas Party part 1 and 2... ang pagka-panalo ko ng Electric fan sa raffle namin sa office.. hehehe! Masaya!


Kung tutuusin, makulay ang taon na 'to para sa akin... ang daming nangyari... masasaya.. malulungkot...at masasaya ule... ibang-iba sa nakaraang taon... basta thankful ako.... sa family ko at sa Pugo ko... Mababaw lang naman tlaga kaligayahan ko e.. hindi ba halata? :)

0 Comment: