Nung kabataan ko, kapag tinanong mo ako kung ano ang tipo kong lalaki, ang isasagot ko: "Matangkad, moreno na may pagka bad boy look, malaki ang pwet, nakakatawa at magaling mag-basketball. 'Yan ang ideal man ko."
Hindi pangkaraniwan kasi usually ang gusto ng isang babae -- Mabait, responsable, gentleman at matalino. Hindi ko alam bakit 'yun ang gusto ko. Siguro moreno kasi hindi naman ako maputi. Matangkad kasi maliit ako. Nakakatawa para hindi boring kausap. Bad boy look kasi uso that time. Magaling mag-basketball kasi fan ako ng PBA. 'Yung malaki ang pwet, hindi ko alam, pero ayoko talaga ang lalaking flat ang pwet at payat.
Kung kilala niyo ko, ang unang boyfriend ko ay swak sa lahat ng tipo ko. Kumbaga, parang kung nagdasal ka kay God at humiling ng Jowa na gusto mo, eh binigay nya sa'yo ng buong puso. Pero syempre minsan pala kahit anong gusto mong mangyari o plano sa buhay, eh naiiba. Hindi nakatakda ika nga.
Fast forward.... nung mga panahong malungkot ako, may isang taong dumating sa buhay ko. Hindi ko sya gusto. Hindi ko rin tipo. Pero, mahal na mahal ko.
Tignan ko nga ang checklist ko:
Matangkad? -- hindi
Moreno? -- pwede na, hindi naman sya maputi
Bad boy look? -- hindi
Malaki ang pwet? -- Oo :)
Nakakatawa? -- Oo :)
Magaling mag baskeball? -- hindi ko alam :)
Nakukwento naman ni TJ sa akin na naglalaro sya ng basketball at sumasali sya sa mga liga sa barangay nila dati nung kabataan nya. Pero hindi pa kami nun, kaya hindi ko naman sya napanood. Napanood ko sya once mag Basketball dito sa compound namin pero ang mga kalaro niya eh, panay pamangkin kong bata. Kaya kapag inaasar ko sya na, "Weh? Marunong ka ba mag-Basketball? Abangers ka lang ata e." -- Napipikon.
Kaninang umaga, nagpaalam siya sa kin. Niyayaya daw sya mag-basketball nung mga ka-trabaho nya after shift. Dun lang naman sa covered court ng office nila. Natawa ko, sabi ko "Sure ka?" Sabi nya, "Ayan ka na naman, wala ka man lang ka-moral moral support. Naturingang asawa kita." --- Natawa na lang ako. Kaya, naghanap kami ng Basketball Shorts, Supporter at Sapatos. Mega bilin naman ako, "Magbaon ka ng tubig!"... "Mag-iingat ka." Isa lang nasabi n'ya. "Ney, ihanda mo na ang Salonpas mamaya pag-uwe ko ha." --- Natawa na lang kaming dalawa.
Heto na Chubs, inaantay ka na ng haplos ko at Salonpas. :)