Nakakalito ang panahon talaga... lately, alternate ang araw at ulan... nung Saturday sobrang init at tirik na tirik ang araw, tapos nung Sunday ulan ng ulan... kahapon, ang araw din...pero nung gabi, umulan... ngayon, maulan ulit... ano ba yan,,, kung kelan wala akong payong... :( (reminisce nung mga panahong nasa akin pa si "Samsonite")..... haaaaay...
Bumili ako ng libro ni Bob Ong, gusto ko kasi magbasa na hindi kailangan ng isang matinding pag-iisip. Naisip ko kagad si Bob Ong. :) Bumili ako ng "Stainless Longganisa at"Kapitan Sino ni Bob Ong"... madami na din kasi ako nabalitaan na maganda daw ito. Sa lahat ng ginawa niya, dalawa pa lang ang nababasa ko... yun ay ang ABNKKBSNPLAko?! at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?... Nakaka-aliw... pero natigil ako mag-patronize sa kanya. Anyway, sinimulan ko ng basahin ang "Stainless Longganisa", at so far, tawa ko ng tawa... tinitipid ko ngang basahin kasi mukhang kaya kong tapusin ng isang upuan lang.... well, di bale, may isa pa ko... 'yung Kapitan Sino....
FYI; Kagabi, nagising ako dahil may narinig akong kumakaluskos sa kama ko... pagkakita ko, si Sachie, nginangatngat ang librong bagong bili ko... Anak ng Baluga.... sarap na sarap pa siya.. batok ang inabot sa kin.. mabuti na lang at 2 pages lang ang nakagat at blangkong part ang natamaan...
Anyway, nakaka-asar ngayon dumaan sa Tolentino dahil ginagawa ang daan. Simula Ventanilla St, hanggang intersection ng Cabrera at Tolentino, sarado... kaya hindi makadaan maski ang Tricycle... ang nangyayari, umiikot pa ng J. Luna at Aurora ang mga tricycle lalo na't galing ka ng MRT. (Ewan ko sa mga magbabasa nito kung gets nila sinasabi ko.. hehehe)
Nakakatuwa yung baby nila Mong at Eder na si "Drivon"... grabe sobrang tabachingching... kinarga ko yesterday at hindi ako tumagal... sobrang bigat niya... :) Dagdag na naman pala siya sa mga aanakin ko sa binyag...:)
Naku, mukhang dadagdag na naman sa timbang ko ang pagkakaroon ng tinda ng aking pinsang si Avin at asawa niyang si Melissa dahil sa Tapsi at Mami... nakupo, hanggang kelan kaya ang itatagal nila? You'll never know...
Kailangan ko pa namang pumayat dahil aabay ako sa kasal ng kumare kong si Jean sa December... I'm so happy for her. Talaga ngang may right one na nag-aantay para sayo... We're both blessed mare. :)
Wala na ko maisip... :)
3 Comment:
ay ganun...aabay ka rin... ako din!!!
kelangang pumayat!
:)
Oo, kasal ni jean sa tagaytay sa december.. hehehe
ang cute ng motiff nila, greek :)
Hindi na ba naibalik `yung payong mo?
Post a Comment