Hello world... nandito pa ko.. Haay, andami ng nangyari, madaming kwento na hindi ko alam kung paano sisimulan. Well, ang Ate ko nag switch na sa bago niyang bahay, ang multiply... nag-try ako dati dun, masyadong complicated at hindi user-friendly, kaya cancel ko account ko. Anyway, kamusta na ba ang internet world? Nagkasakit pa ko ng ilang araw, kaya lalong tinamad magkikikilos. Sabi ni Nge sa kin, one time na nagcocomputer sya at ako nakahiga sa kama, "Papatayin ko ba yung computer?" Normally ang isasagot ko, "wag, gagamit ako.".... pero ang sinabi ko, "Patayin mo na..." Sabi niya, "Hindi ka magcocomputer?" Sabi ko, "HINDI".... Sabi niya, "Hay, Cori tumatanda ka ng paurong"... Mas pinili ko kasing humiga tapos maglaro ng Nintendo DS.. (What's wrong with that?)
Anyway, isa sa mga pinsan ko ang kinasal lately... Para sa pinsan ko at asawa niya, Congratulations and Best Wishes...
This Sunday, One year na kami ni Chubs... naisip ko na parang ang bilis ng panahon.... parang minsan gusto kong pigilan kasi patanda-ng-patanda ang tao... nakakatakot.. Ewan ko kung it's too early for me to feel this way, siguro pressured lang ako... hay, ang arte ko.
Ulan ng ulan, ang sarap sa bahay... ang sarap magtulog, magluto, magbake, mag dvd marathon.. ang sarap siguro maging bum.. hehehe, pero hindi pwede.. lalo na ngayon...
May kwento pala ko, three weeks ago, papunta ko ng Cartimar para bumili ng dog food para sa mga aso ko. From DFA, sumakay ako ng Trike. So idinaan niya ko sa FB Harrison at may mga side streets siya nilikuan. Hindi ako ganun ka-familiar kaya lingon ako ng lingon. Pagtumbok niya Cartimar na yata yun, pero ang sabi ko sa kanya, "Mama, dun ako sa mga bilihan ng pagkain ng aso ha..." Pagkakita ko ng palengke huminto sya, alangan ako kung kanan o kaliwa.. so sabi ko kanan.... it turned out mali pala kasi natatanaw ko na yung libertad.... sabi ko, "Ay manong sorry po, kaliwa pala dapat, balik po tayo." Maayos ang sabi ko nun.. nanghingi pa ko ng pasensya. Pagkarating sa lugar ng mga bilihan ng dog food, kinuha ko yung pera ko at nagtanong "Manong magkano po?" Ang sabi niya P40! Hala ang mahal naman manong, P30 na nga ibabayad ko eh.. Inabot ko P40 at inantay ang sukli ko... dito na ko nainis. Idiniin sa kamay ko yung Sampung Pisong sukli, at padabog na isinara yung lalagyan niya ng barya.
Ang sabi ko:
Oyie: BAKIT KA GALIT?
Mama: SA SUSUNOD ALAMIN MO KUNG SAN KA PUPUNTA!
Oyie: ANG SINABI KO SA INYO SA BILIHAN NG MGA PAGKAIN NG ASO.
Mama: YUN NGA EH, HINDI MO ALAM?!
Oyie: IKAW NGA TONG TRICYCLE DRIVER HINDI MO ALAM???? EH GAGO KA PALA E! BASTOS KA PA! BAKIT, TAGA DITO BA KO? GAGO KA.
(Galit na galit talaga ko, kasi nag-sorry naman ako at maayos ang salita ko, and to think, P40 ang sinisingil niya dahil lang sa maling pagliko, na parang 10 steps away?)
Mama: (Sumasagot pa din pero pabulong na, nung sumisigaw na ko at marami ng nakatingin)
Habang naglalakad ako palayo sa kanya, sumisigaw pa din ako.. "Gago ka...etc etc.." Syempre medyo lumalakas loob ko nung papalayo na ko sa knya.. hehehe, pero talagang di ako nakapag-pigil...Kaya ngayon, pag siya nasa pila dun sa may dfa, hindi ako nasakay sa kanya.. kahiyaan na.. naglalakad ako dun hanggang Holiday Plaza.
Yun lang... ang war freak ko.
-------------------
Anyway.... excited ako this weekened... woohoo, gone for the weekend. Keber kung naulan, kada magpa-plano kami naulan... kaya napagpasiyahan na tuloy kami, rain or shine! :)
Hehe, magsuswiming ako kahit naulan!!! Magbabaon na lang ako ng maraming gamot. Hehehe
-------------------
Ang kwento ng isang EPS.
Si Olens pinaglalaruan na naman yung isang tuta sa compound, kawawa yung tuta kasi nasaktan.
Oyie: Hoy, wag mo paglaruan yan. Ginulo mo na naman yan. ‘Yun paglaruan mo, yung mga tuta niyong itim. Di ba, sa inyo yun?
Olens: Eh Ninang Cori, nangangagat kasi yun eh.
Oyie: Kaya nga gusto kong yun ang paglaruan mo eh, para makagat ka!
….Nakaka-asar na kasi e, cruel siya sa animals talaga. Isang beses, nakita ni Tange yung tuta, kulay itim, sobrang dumi, ‘yun pala nilublob niya sa kanal. Tama ba naman yun? Yung isang beses din, binitbit yung tuta sa paa, tapos inihampas sa pader… haaaay, I feel sorry sa kanila, paglaki nila hindi lang sa animals gagawin ng anak nila yun.. mag ipon na silang pang-piyansa. Wag lang magkataon na sa mga aso ko yan gawin! Naaasar pa din ako magpahanggang ngayon….
-------------------
Anyway………
Happy Birthday sa Kekek ko… 3 years old na sya today… Mwahhhhh!
Excited na ko mag-Christmas… Uwe sila Ate at Maninay! (haha, nakiki-maninay ako)
So keep breathing, I said that I’d always be there,
Now I mean it more than ever before,
There’s a future worth fighting for,
So don’t be scared,
I know how you must be feelin,
With no one to help you carry the pain,
I’m comin’ to save the day
----David Archuleta
Happy weekends!!!