Silver Birthday

on Friday, October 31, 2008
Ok, so how's my birthday? Ang kulit... Nung umaga not so ok (di ko alam kung bakit) ....nung tanghali, ok na ok (dumadami ang bumabati).... nung hapon, asar na asar (inis na inis kay Chubs) .... nung gabi..... awwww, na-touched naman ako! (sinadya pala talagang inisin ako) Hehehe....

Thanks Chubs... Thanks Nge and Melissa! Pag-uwi ko at pagpasok sa kwarto ko, nagulat ako, ang makulit pa dun, mas nauna kong napansin na ang linis ng kwarto ko! Next ko napansin 'yung nasa kama... hehehe!

Special mention ang hikain kong kapatid na si Tange.. siya po ang naglinis! Hehehe! Very good...

HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!
Thanks Chubs for everything... you're the best gift ever... Love you...

-------------------
F. L. A. M. E. S

Nag-FLAMES lang din pala ko nung Tuesday... hehehe (Bakit ba, birthday ko naman!)
20 = Love
16 = Marriage
______________
36 = Sweet

Wag niyo sabihing di kayo nag-ganito dati? Kahit ngayon..... (O ako na lang natitira?)
Parang bata.... hehehe! :)

Happy 25th Birthday to me! Tanda ko na!

Birthday ko daw eh!

on Sunday, October 26, 2008
Pinagluto na naman ako... ano ba talaga plano mo sa 'kin Chubs, maging LUMBA-LUMBA??? Ang sabi niya: "Makita lang kitang busog ok na ko!" Hahaha! Saka BIRTHDAY KO DAW EH!
Ang Menu:

Sweet Chicken with Pineapple Bits
Spring Roll Vegies in Sweet and Chili Sauce
Mango-Apple Shake topped with Cream

FYI - Uulamin pa namin ule ngayon... Masarapppppp!

Thanks Chubs!!!! You're the BEST!!!
MWAHHH.. Love you!

-------------------

N E Y

"In a world where people
often avoid getting too close,
I feel so lucky that I've had you
and your love for all this time.
With you, I've had the support
to pursue my dreams
and turn them into realities.
Your kindness and gentleness
have shown me the way
to a deep and lasting love
that has become sweeter
with time...
Through all the stages
of our life together,
I'm glad that you have been the ONE
who has stayed by my side,
who has shared my life,
who has been my love
for all this time..."

---Chubs 10.19.08---

As always.. (and I'm not proud of it) :P

My room needs to have serious cleaning (again)...
kelan kaya mangyayari 'yun? God help me... :)

Pati si Kekek, wala ng mahigaan...


Wala pa din akong bumbilya... Opo nakakatagal po ako ng lamp lang 'yung ilaw ko... lagi ko nalilimutan magpabili ng bumbilya! Deym. ---'yun ang reason kung bakit madilim mga pics... hehehe

BUSUGAN!!!!

on Sunday, October 19, 2008
Ang gift ni Chubs sa kin, pagluluto niya daw ako.. Namalengke kami sa Palengke ng Pasay, hindi naman nakakahiya dahil maganda na 'yung Pasay Public Market (Naks, in-english lang eh)

So bumili ng baboy..
Chubs: Miss, Casim 'yan?
Tindera: Opo.
Chubs: Ok.
Oyie: Naks, may ganun ka pa ha.
Chubs: Maganda kasi Casim... malaman.
Oyie: Ah kaya pala Casim yung tawag.
Chubs: Bakit?
Oyie: CASI-MALAMAN... (hahaha, joke ko yun ha!!!)

Ikot sa palengke.. bibili tayo green peas, sabi niya! Sabi ko... O cge, dun tayo sa suki ni Mommy. (Ang yabang ko, feeling kabisado ang palengke).... Ok, so nagpa-ikot ikot, di ko nakita, sabi ko.. "D2 na lang tayo bumili." hehehe.

Anyway, nagluto lang siya sa bahay. Ayos, may dinner na kami. Hehe!

Na-pressure pa nga yata:
Daddy: Ano lulutuin mo?
Chubs: Quail Eggs w/ Green Peas (achuchuchu)
Daddy: Masarap ba 'yun?
Chubs: (Napalunok yata....hahaha!)

Ok, so hindi ako nangi-alam sa pagluluto niya. Utusan lang ako. Taga hiwa, taga-ligpit, taga-balat.. pati sa timpla siya nasunod! Sabi ko dagdagan ng asin, ayaw niya, tama na daw yun... (maalat nga lang talaga ko magtimpla)....

ANG VERDICT: Hmmmm, masawaaaaaaap! Imperness, ipagyayabang ko lang, MASARAP TALAGA!!! (According din sa lahat ng nakakain...)


BUSOG NA NAMAN SI OYIE!!!!

(Wala pa daw kaming picture nung araw na 'yun, kaya AYAN, nag-picture! Mana na sa kin, gusto na ng picture! hahaha, ayos yan)

-------------------

Nalimutan ko lang i-blog... Gawa ng kapatid niya... Banoffee Pie!

Banoffee pie (also spelled banoffi, or banoffy) is an English dessert made from bananas, cream and boiled condensed milk (or dulce de leche), either on a pastry base or one made from crumbled biscuits and butter. Its name is a portmanteau constructed from the words "banana" and "toffee".

Haaaay, bakit ba masarap kumain???


Happy 3rd Monthsary Chubs!

It's our 3rd Month!

I
Love
You...
so
much
Chubs!

Mwaaaaahh!

ALAM NIYO BA??? Part 2

on Saturday, October 18, 2008
Na-addict ako sa Meteor Garden 1 & 2 at Lovers in Paris.









Nagpa-autograph ako sa mga Basketball Players tulad nina, Olsen Racela, Bong Alvarez, Samboy Lim, Allan Caidic, Ato Agustin, Marlou Aquino, Vergel Meneses at madami pang iba... at isama ko na din si Anthony Suntay.

Nanood ako ng MTB Ang Saya Saya dahil kay Archie Alemania.









At na-close-up habang sumasayaw ng "Walang Sabit" ni Sandara Park.

Wala pang Graduation Picture hanggang ngayon.

Kung marereincarnate ako gusto ko maging kamukha ko si Heart Evangelista, katawan ni Carmen Soo, at boses ni Carol Banawa.












Panunumpa
by Carol Banawa


Gusto ko magkaroon ng Invisibility Cloak, tapos, maninilip ako sa Dugout ng mga Basketball Players.

Pangarap kong makapag-jump spike tulad ni Charo Soriano.

Gustong-gusto kong balikan ang mga palabas tulad ng: Peter Pan, A Dog of Flanders, Princess Sarah, Cedie, Si Mary at ang Lihim na Hardin, Julio at Julia, Blue Blink, Bioman, Shaider...etc.

Paborito ko 'yung cheese curls ng mambobote.

Natutulog ako sa jeep kapag inaantok ako.

Nakikipag-away ako sa mga jeepney/trike driver kapag di binabalik ang sukli o mahal sumingil.

Mahilig ako mag-swimming pero hindi ako marunong lumangoy.

Slow ako maka-gets sa mga steps ng isang sayaw.

Madalas, mali-mali ang lyrics ng kinakanta ko.

Hanggang ngayon, namamasko pa din ako.

Mahilig ako tumawad sa mga tindera sa tiangge.

Tinatawag akong Ninang ng lahat ng bata dito sa compound kahit 'yung iba sa kanila hindi ko inaanak.

Mas inaabangan ko ang Pasko kesa sa Birthday ko.

Namimiss ko na ang Magandang Gabi Bayan tuwing Undas.

Paborito ko si Hello Kitty.












110 lbs. na ko ngayon.

Hanggang ngayon, kapag nagustuhan ko, nakikitulog pa din ako sa kwarto ng mga mommy ko.

Napagkamalan akong JOWA ng isang Jeepney driver ng Washington at napagbantaan ng asawa nung driver.

Fourth year college na ko ng grumaduate ako ng P.E.

Sa lahat ng bagay, palagi akong LATE.

Paborito ako ng Nanay at Tatay ko, kahit di man nila inaamin.

Mas napagkakamalan akong mas matanda kesa sa Ate ko.

Pero mas bata kesa kay Tange.

............O sya, andami na pala. Mawawala na 'yung pa-mysterious effect ko. Para na kong CELEBRITY nyan.. hahaha!

ALAM NIYO BA???

on Friday, October 17, 2008
Favorite ko mga kanta ng: AEGIS
Luha
by AEGIS


Gustong-gusto ko pinapanood si: JOJO A. All the way...


Bumibili ako sa: UKAY-UKAY

Mahilig ako mag-videoke, lalo na mga kanta nina: REGINE VELASQUEZ, LOUIE HEREDIA, MARCO SISON, RICHARD REYNOSO --ilan pa lang 'yan!

Dadalhin
by Regine Velasquez


Una at Huling Mamahalin
by Louie Heredia


My Love Will See You Through
by Marco Sison


Hindi Ko Kaya
by Richard Reynoso


Super crush ko si: PAPA PIOLO at PAPA JOHN LLOYD













Kinakawawa ko ang GLOBE dahil sa: UNLITXT

Sinasamba ko ang mga PIRATED DVDs.

Fanatic ako ng: TGIS, GIMIK at TABING ILOG dati...

Nagkandamatay ako kay: Dao Ming Su












Naniniwala sa kakayahan ng: Chin Chun Su









Naaasar ako sa mga pagmumukha ni Bea Alonzo, Vhong Navarro, John Estrada, Willie Revillame, Kris Aquino at Cristy Fermin.

Natutuwa ako ngayon kay Ruffa Gutierrez.

Si Berting Labra lang ang nakapagpahagulgol sa kin.

Ilang taon ng sabon ang PERLA pero hindi pa din naputi.

Nasasarapan kapag may masakit sa katawan: tulad ng pilay, sugat, ngalay... etc.

Palaging masakit ang mga paa, binti, hita kapag Lunes.

Mahilig sa PINK.

Mahilig Kumain. Erase. Matakaw kumain.

Mababaw kaligayahan.

Madaldal. Erase. Ubod ng daldal.

Makalat.

Nabubuhay ako sa magulong kwarto.

Mag tatatlong linggo ng pundido ang ilaw sa kwarto... at walang balak bumili ng bumbilya.

May koleksiyon ng mga *toot toot* na dvd/vcd...(dati 'yun..hehe)

Pikon.

Maipilit.

Patay na patay sa Spaghetti.












Mahilig ako sa mga ma-toyong ulam gaya ng ADOBO, BEEFSTEAK, PORK STEAK.. etc.

Naglalaway sa TOCINO....


....Nakupo, andami pang dapat ilalagay, baka maubos characters ng blogger! :)

Muntik na...

Muntik na naman akong magpalit ng simcard na globe.. anakanang, na-sim blocked 'yung globe ko kanina... kung di ba naman ba kasi ko stupid... ok, so nag-panic ako agad! Tawag ako sa globe agad.. After ng napakatagal na pag-aantay at ilang ulit na narinig ang kanilang background music at ang mga linyang "All our agents are busy at the moment, please wait achuchuchu....", ang ending ay:

Agent: Thank you for calling Globe Customer Care..
Ako: Amm, na sim blocked kasi 'yung sim ko... can you help me with the PUK Code

(Nagbabakasakali lang naman.. kahit alam kong di pwede, kasi sa smart dati, kelangang pumunta ng Telecenter para ma-access ang mga PUK Codes -- mas dati pa, bibigay ko lang kay Ate ang number ng na-blocked at ora mismong mabibigay sayo ang PUK code, anyway.....)


Agent: Mam, when you purchased the sim, may kasama pong papel 'yun na may codes.
Ako: Oo nga e, pero kasi di ko na alam kung nasaan na...
Agent: Mam, sorry for the inconvenience pero wala po kami access sa PUK Codes e.
Ako: Kahit sa telecenter?
Agent: Wala din po..
Ako: Pano 'yan?
Agent: I suggest, you purchase a new sim na lang po...
Ako: Ganun? Ok.. Salamat.

---wala, no choice! Bumili ako ng bagong sim... P60 din yun ha... haaaay! Ang ayoko pa ay 'yung magkakalat na naman ako ng text: Hi, this is Cori, this is my new number.... blah blah blah!

Pag-uwe ko, bigla ko naisip... di pa naman ako naglilinis ng kwarto eh, so wala pa ko tinatapon ng kahit ano... hanap dito, hanap doon... at.... NAKITA KO DIN SIYA!!!!! YAHOOOOOO, tumbling tumbling!!!!

Happy Ending ang story ko... hehehe! 'Yun nga lang may extra sim ako dito... Sino may gusto bumili??? hehehe!

Walang katuturan ang post ko na'to... :)

Happy 3rd Birthday Sophia!!!!

on Sunday, October 12, 2008
...was taken last year at Kids at Work, Glorietta
... its been a year!!!




.....may makakalimot ba kay Marisol, agaw eksena!
(natulala yung kalaban niya.. hahaha)

HAPPY BIRTHDAY BABY SOPHIA!!!!
(Nandito na gift ni ninang cuyie sayo, nakabalot na....--yah right! hehehe)

sophia/popya/sopya/bebe

on Friday, October 10, 2008


Here are some of my favorite pictures of Sophia... :)

La Boheme (zzzzz...)

Last Sunday, nanood kami sa CCP nila Mommy, Daddy and Nge ng La Boheme - it's a classic musical play written by Giacomo Puccini. The ticket is pricey, costing P2,500 each for the orchestra side. Syempre hindi namin 'yun binili, bigay lang sa office nila Mommy, dahil ang sponsor ay Yunchengco Group of Companies. Anyway, it's my first time to watch an opera... sabi ko sige i-try ko kasi mukhang sosyalin.. hehehe! Ok so game na, nakupo, Italian ang mga songs, wala ako maintindihan... sumasakit na ulo ko... sabi nga ni Nge, wala bang subtitle??? Hahaha! So ok, aminado ko, nakaidlip ako dun sa act 2 and 3 ng onti... pero si Tange ang malupit, patapos na ng nakatulog.. so hindi niya nakita ang ending... pagkagising niya sabi "Namatay ba 'yung babae?"...sabi ko, OO, namatay din sa wakas, ang tagal naghingalo... (kanta kasi ng kanta), hahaha!

I got this video sa fritzified.com...


To be fair naman, magaganda talaga boses nila, 'yun nga lang kasi Italian ang kanta, it would be better kung English man lang...

Oh well, it's still an experience for the four of us... buti na lang di namin binili 'yung ticket.. hehehe!

Nagpicture-picture na lang kami sa CCP... nag-enjoy pa ko!

(Ngayon ko lang binasa 'yung synopsis ng La Boheme, 'yun pala yun... naintindihan ko na..) hehehe!

Weekends na naman... :)