BUSUGAN!!!!

on Sunday, October 19, 2008
Ang gift ni Chubs sa kin, pagluluto niya daw ako.. Namalengke kami sa Palengke ng Pasay, hindi naman nakakahiya dahil maganda na 'yung Pasay Public Market (Naks, in-english lang eh)

So bumili ng baboy..
Chubs: Miss, Casim 'yan?
Tindera: Opo.
Chubs: Ok.
Oyie: Naks, may ganun ka pa ha.
Chubs: Maganda kasi Casim... malaman.
Oyie: Ah kaya pala Casim yung tawag.
Chubs: Bakit?
Oyie: CASI-MALAMAN... (hahaha, joke ko yun ha!!!)

Ikot sa palengke.. bibili tayo green peas, sabi niya! Sabi ko... O cge, dun tayo sa suki ni Mommy. (Ang yabang ko, feeling kabisado ang palengke).... Ok, so nagpa-ikot ikot, di ko nakita, sabi ko.. "D2 na lang tayo bumili." hehehe.

Anyway, nagluto lang siya sa bahay. Ayos, may dinner na kami. Hehe!

Na-pressure pa nga yata:
Daddy: Ano lulutuin mo?
Chubs: Quail Eggs w/ Green Peas (achuchuchu)
Daddy: Masarap ba 'yun?
Chubs: (Napalunok yata....hahaha!)

Ok, so hindi ako nangi-alam sa pagluluto niya. Utusan lang ako. Taga hiwa, taga-ligpit, taga-balat.. pati sa timpla siya nasunod! Sabi ko dagdagan ng asin, ayaw niya, tama na daw yun... (maalat nga lang talaga ko magtimpla)....

ANG VERDICT: Hmmmm, masawaaaaaaap! Imperness, ipagyayabang ko lang, MASARAP TALAGA!!! (According din sa lahat ng nakakain...)


BUSOG NA NAMAN SI OYIE!!!!

(Wala pa daw kaming picture nung araw na 'yun, kaya AYAN, nag-picture! Mana na sa kin, gusto na ng picture! hahaha, ayos yan)

-------------------

Nalimutan ko lang i-blog... Gawa ng kapatid niya... Banoffee Pie!

Banoffee pie (also spelled banoffi, or banoffy) is an English dessert made from bananas, cream and boiled condensed milk (or dulce de leche), either on a pastry base or one made from crumbled biscuits and butter. Its name is a portmanteau constructed from the words "banana" and "toffee".

Haaaay, bakit ba masarap kumain???


3 Comment:

Feelingerong Oppa said...

impernesssssss... masawap!!!

Garetski said...

nakuha ni TJ ang kiliti nina daddy... masarap na pagkain... hahaha. ako pa kelangnang ma impress sa luto... wala pa kon natitikman...

[vayie] said...

Dead na naman si Cori! Tataba na naman. Ehehehe.