ALAM NIYO BA???

on Friday, October 17, 2008
Favorite ko mga kanta ng: AEGIS
Luha
by AEGIS


Gustong-gusto ko pinapanood si: JOJO A. All the way...


Bumibili ako sa: UKAY-UKAY

Mahilig ako mag-videoke, lalo na mga kanta nina: REGINE VELASQUEZ, LOUIE HEREDIA, MARCO SISON, RICHARD REYNOSO --ilan pa lang 'yan!

Dadalhin
by Regine Velasquez


Una at Huling Mamahalin
by Louie Heredia


My Love Will See You Through
by Marco Sison


Hindi Ko Kaya
by Richard Reynoso


Super crush ko si: PAPA PIOLO at PAPA JOHN LLOYD













Kinakawawa ko ang GLOBE dahil sa: UNLITXT

Sinasamba ko ang mga PIRATED DVDs.

Fanatic ako ng: TGIS, GIMIK at TABING ILOG dati...

Nagkandamatay ako kay: Dao Ming Su












Naniniwala sa kakayahan ng: Chin Chun Su









Naaasar ako sa mga pagmumukha ni Bea Alonzo, Vhong Navarro, John Estrada, Willie Revillame, Kris Aquino at Cristy Fermin.

Natutuwa ako ngayon kay Ruffa Gutierrez.

Si Berting Labra lang ang nakapagpahagulgol sa kin.

Ilang taon ng sabon ang PERLA pero hindi pa din naputi.

Nasasarapan kapag may masakit sa katawan: tulad ng pilay, sugat, ngalay... etc.

Palaging masakit ang mga paa, binti, hita kapag Lunes.

Mahilig sa PINK.

Mahilig Kumain. Erase. Matakaw kumain.

Mababaw kaligayahan.

Madaldal. Erase. Ubod ng daldal.

Makalat.

Nabubuhay ako sa magulong kwarto.

Mag tatatlong linggo ng pundido ang ilaw sa kwarto... at walang balak bumili ng bumbilya.

May koleksiyon ng mga *toot toot* na dvd/vcd...(dati 'yun..hehe)

Pikon.

Maipilit.

Patay na patay sa Spaghetti.












Mahilig ako sa mga ma-toyong ulam gaya ng ADOBO, BEEFSTEAK, PORK STEAK.. etc.

Naglalaway sa TOCINO....


....Nakupo, andami pang dapat ilalagay, baka maubos characters ng blogger! :)

5 Comment:

Garetski said...

Ahahaha! ang dami nating pareho... magkapatid nga tayo. BIgla akong napakanta ng AEGIS!

Garetski said...

wala bang 'tuwing umuulan' ni Regine? Kakanta ako... :)

Cori said...

haha... meron.. ako pa, basta kanta ni regine.. minus REGINE... leydish end gentlemen... hahaha

Feelingerong Oppa said...

1. "Makalat.erase.Sobrang makalat"

2. "Mahilig ako sa mga ma-toyong ulam gaya ng ADOBO, BEEFSTEAK, PORK STEAK.. etc." - kaya may toyo ka sa utak eh... sarsa is the best!

3. "Naglalaway sa TOCINO...." - ako din, naglalaway sa tocino ni nanay ine, yung color red. hehe

4. "Nasasarapan kapag may masakit sa katawan: tulad ng pilay, sugat, ngalay... etc." - ditto(yes ditto, define ditto, tange. hehe)

5. "Ilang taon ng sabon ang PERLA pero hindi pa din naputi." - only perla touches our skin, who touches yours? hehe

6. "Naaasar ako sa mga pagmumukha ni Bea Alonzo, Vhong Navarro, John Estrada, Willie Revillame, Kris Aquino at Cristy Fermin." - sinabi mo pa. ako din!!! kabanas!

7. "Naniniwala sa kakayahan ng: Chin Chun Su" - ako din, malakas ang pananalig ko chin chun su!!!

8. "Kinakawawa ko ang GLOBE dahil sa: UNLITXT" - siguro nagsisisi na ang globe kung bakit pa nila naisipang maglagay ng promo na unlitexting. hahaha

9. "Mahilig ako mag-videoke" - i love videoke, gusto ko yung tipong lumalabas mga litid ko sa leeg sa kakabirit. hehehe

10. "Favorite ko mga kanta ng: AEGIS" - eto ang pinakamasarap kantahin sa videoke. hehehe

>>> jusko ko, ang dami nating pagkakapareho. ikaw nga ang nawawala kong kapatid. :D

Cori said...

nge, ayaw mo naman commentan ang blogpost kong ito...hahaha

mga kapatid... kayo nga mga kapatid ko!!!! :)