Bakit maalat ang halo-halo?

on Monday, April 21, 2008
Kanina, sa canteen.. may tindang halo-halo... at dahil may natira, ano pa nga ba... sa amin na... 'Yung katrabaho kong si Jayson (napaka-takaw niya talaga), nauna ng kumain ng halo-halo... Kumakain kami ng lunch ni Cesar (isa pang matakaw..), ng naririnig naming nagrereklamo si Jayson...

Jayson: Bakit ang alat???
(walang pumapansin...)
Jayson: Ang alat talaga!!!!
(dedma pa din....)
Jayson: Bakit kaya maalat?

Hndi na ko nakatiis....
Cori: Bakit nga ba??? Baka naman asin ang nalagay mo hindi asukal?
Jayson: Hindi... asukal naman nilagay ko...

Hindi namin napapansin na tumatawa na ng tumatawa si Chef Caloy...
Tinikman ni Jayson lahat ng ingredients na nilagay niya sa halo-halo... matamis... matamis... matamis.. at panghuli... MAALAT!!!

'Yun pala... ang akala niyang MONGGO.... ay hindi pala.... TAUSI pala... HAHAHA!!!

TAUSI - 'yung itim na soy beans... maalat siya!


Tawa kami ng tawa... sinadya pala talaga ni Chef Caloy na itabi dun sa mga ingredients, para titignan niya kung sino ang unang mabibiktima... mabuti na lang at hindi ako... HAHAHA!!!

Imagine a halo-halo with TAUSI!!!! Hahaha! So Funny!

3 Comment:

GARET said...

eeewww!!! ang sama ha... hahahaha. sayang, swerete ka ha.

Cori said...

praning yung chef...kupal!

Feelingerong Oppa said...

yan ang resulta ng katakawan..