7:30 na ko umalis dito sa bahay kanina... nagtext na sa work, sinabing male-late lang ako... ok naman, reply ng ka-trabaho ko... The usual... sakay trike hanggang kanto ng "Eme".... naghintay ng cab. (fyi, araw-araw akong taxi papasok sa trabaho, hindi dahil maluho ako, kundi, tamad lang ako magbiyahe ng napakatagal sa jeep).... after 30 minutes, 8am na.. wala pa ding taxi??? hmmm, sige antay pa ng onti.... wala pa din??? Nasaan na ang mga taxi??? Past 8 na, nandun pa din ako sa kinatatayuan ko... wala pa din! Inip na inip na ko.. isa pa, sobrang late na talaga ko! So, napagdesisyunan kong mag jeep na lang... Sumakay ako ng Evang-Buendia na Jeep... Hmmm, parang mali yata nasakyan ko? wala ng fx sa buendia... so bumaba ako sa Spring... antay ng M.dela cruz na jeep, oops, wala din??? kung kelan nga naman nagmamadali ka, saka pa wala,,,, (hindi naman strike!)... So, no choice, nag trike ako hanggang astrodome... ok, ang mahal P30 pesos... naman, sige carry na yan... Pagbaba sa kanto, naykupo, ang daming tao na nag-aantay ng FX pa-Lawton... naman! Bakit ngayon pa.... Grrrr! So, antay antay.... Tagaaaal... sobrang wasted ko na! May fx, hala, sinalubong ko na ang taong bababa... nawala na ang poise ko... kelangan eh! hehehe! Ayos, nakasakay na ko... akala ko wala ng problema... Natatanaw ko na ang Manila Hotel..., biglang oops, lumiko sa Kalaw yung FX... Patay, di ko alam kung san ako bababa.... Pero, di ako nagpahalata, akala ko derecho lang ang FX.. Anakanang!!! No choice ule, ,bumaba ako sa City Hall, hindi naman sa naliligaw ako, hindi ko lang alam kung san way ako sasakay... (so, parang ganun na din yun..) Antay.. hanap ng pier na jeep... wala! Shettt! Ang last option ko, mag taxi na... sobrang late na late na ko talaga.... antay ule.. wala pa din... huhuhu, iiyak na ko!!! Lampas 20 minutes yata ako antay ng taxi, hanggang sa may naawang mama sa akin, pinauna na akong pasakayin... (Thanks, Manong!) Haaay, thank you Lord, nakarating na ko sa Asian Terminal!!! Woohoo.... Grabe, dumepende ako masyado sa taxi araw-araw.. kaya sa mga pagkakataong tulad nito, hindi ko alam kung saang way ako dadaan...
Usual na pamasahe: P102.50
Bahay to Kanto ng Eme - P20 (Trike..Opo, bente na po!)
Kanto ng Eme to Asian Terminal - P82.50 (Cab)
Kaninang pamasahe: Total P117.50
Bahay to Kanto ng Eme - P20 (Trike)
Kanto ng Eme to Spring - P7.50 (Jeep)
Spring to Astrodome - P30 (Trike)
Astrodome to Cityhall - P10 (FX)
Cityhall to Asian Terminal - P50 (Cab)
Hay good luck naman.... natagalan na ko, napalayo na, gumastos pa ng sobrang pamasahe! Ang gandang simula ng araw! Oyie, pwede naman kasing mag jeep ng derecho eh, sa halagang P13.50 nasa Pier South ka na... Nice naman, 10 years bago ka makadating... with matching alikabok, pawis at amoy araw... Yoko pa din, dun pa den ako sa cab... hehehe!
Yun lang.... La lang.. share ko lang... hehehe!