Medyo matagal-tagal na din ang huling post ko sa blog na'to. Siguro kasi nagkaroon ng Facebook, Twitter at ang favorite ko sa lahat, ang Instagram. Ito na siguro yung pinakamatagal kong nalagi sa bahay. House Arrest, ika nga. Lahat ng pwede mong gawin, gagawin mo na ng dapat nasa kwarto ka lang. Dapat nakaupo ka lang. Naubos ko na yata ang palabas sa TV. Ang marathon ng Masterchef Canada, ang lahat ng bahay sa KrisTV at kung ano-ano pa. Pero di ako nagrereklamo ha, kinukwento ko lang.
Nakakatulong pang-ubos ng oras ang Adult Coloring Book. Sa liit ng drawing n'ya, hindi mo namamalayan, nakaubos ka na ng tatlong oras. Ayos! Araw-araw, pagdating ng 2pm, wala na ako kasama uli sa bahay. 'Yung Tatay ko nandito, pero madami s'yang errands. Kakatok lang 'yun sa kwarto ko kapag magtatanong na s'ya kung magpapabili na ko ng Merienda ko. Ganun kami, Lunes hanggang Biyernes. Pero masaya na kapag weekends, kasi nandito na silang lahat. Pati ang asawa ko na ang rest day ay Sabado at Linggo. Yey!
Bakit ko nga ba naalala 'tong blog ko? Inamag na nga eh. Mabuti na lang at naaalala ko pa ang password nito. Nag-panic pa ko kasi akala ko Google Account na lang ang tinatanggap. Yahoo email ko kasi ang account ko dito. Yes, Yahoo pa. Nagsimula pala akong mag-blog 'nung 2007 pa. Tagal na ano? Dalaga pa'ko. :)
Natatawa ako kagabi 'nung binabasa ko mga blogpost ko. Halo-halo. 'Yung iba wala ng sense. Pero kiber. Naaalala ko 'yung mga panahon na sinusulat ko 'yun. Ginagawa ko dati, ilalagay ko muna sa draft ng email ko 'yung gusto kong isulat, para hindi ko malimutan. Tapos, paguwi ko sa bahay, saka ko i-publish.
Bakit ba ko nagsesenti, eh masaya naman ako. Kapag yata medyo inabot mo na ang line of "3" sa edad, eh minsan iisipin mo, ano na nga ba ang nangyari sa'yo? Mas masarap minsan balikan 'yung past. Kahit pa may mga masasakit na nangyari sa'yo noon, tiyak naman madami ding masasaya. Kagabi ko pa iniisip, ano ang first post ko after 3 years. Mag-flashback ba ko? Masyadong matagal. Isa pa, hindi na din sariwa sa isip ko mga nangyari nun. Masyado kasing mabilis. May iba, ginusto ko na lang na kalimutan. Ang bilis-bilis kasi ng panahon. Nakakainis na nga minsan. Bakit kaka-Pasko lang, Pasko na uli? Bakit kaka-Birthday ko lang, Birthday ko na naman uli? Gusto mong itigil ang oras. Ang bilis kasi tumanda. (Insert Itchyworms Song, "Ayokong Tumanda') Pero, di ba? Parang ang sarap na lang bumalik sa past. 'Yung mga bata na panahon ba, 'yung tipong 'yung problema ko lang dati ay kung anong oras ako maliligo. Hahaha. But, don't get me wrong, I'm very much happy. :)
Kapag ready na 'ko, ikukwento ko ang current journey ko. Soon! But right now, bawal malikot, naka House Arrest ka nga di'ba? :P
1 Comment:
So na post na pala hahaha.. Paano toh? :(
Post a Comment