Bata pa lang ako, mahilig na ko manood ng mga cooking shows sa TV. Wala pang Food Network o Lifestyle kasi wala naman kaming cable nung bata ako. Nung sinabi kong bata, mga Elementary siguro ko 'nun. Ang paborito namin ng Ate ko ang show na "Cooking with the Daza's". Si Sandy Daza ang pinaka idol ko (Well, s'ya lang naman that time, unless you like Chinese Cuisine,si Wok with Yan, uso din that time :))
Nung nagkaroon na kami ng Cable, ang nagustuhan ko naman si Rachel Ray. Kaya lang na-realized ko, bakit parang puro gisa lang ang ginagawa nya? Sa bagay, sa kanya naman nauso ang Meals in 30-mins.
Pero ang talagang gusto ko ay si Nigella Lawson. Kasi kahit complicated ang ginagawa nya, parati syang merong short cut version. Kaya ang ganda nya e. Wala s'yang stress. Ang sexy pa n'ya. :P
Anyway, dahil sa mga 'yun, nahilig talaga ko magluto at mag-bake. Gusto ko lang i-share yung mga naluto kong maganda ang reviews sa mga kumain, at mga medyo palpak dahil first time ginawa.
1. Adobow ni Coribels
Maliban sa paborito ko talaga ang Adobo, tuwang-tuwa ako ng natutunan kong magluto nito. Medyo late blooming ako sa mga Filipino Food. Mahilig kasi ako magluto ng pasta talaga. Pero, panalo ang Adobo ko. Lahat naman nagsasabi na sila ang may pinakamasarap na Adobo. Naniniwala naman ako dun. Pero basta paborito 'to ng asawa ko. Di sya mahilig sa matotoyong ulam, pero pag ako nagluto, napaparami talaga s'ya ng kain.
2. Kare-Kare
Hindi talaga ko marunong magluto ng Kare-Kare. Si TJ talaga ang magaling dito. Nagpaturo ako sa kanya, at ayun, since marunong na daw ako, ako na ang parating nagluluto. Pasado din naman sa panlasa ng mga nakain dito sa bahay namin. Pag tinanong mo Tatay ko kung masarap, isa lang sagot n'ya... "Kare-Kare yan, kahit anong Kare-Kare masarap sa 'kin! (All time fave n'ya ang Kare-Kare). --- so I'll just take it as a YES. :P
3. Sinigang na Buto-Buto
Kapag tinanong ko ang asawa ko kung ano gusto n'yang ulam, matagal 'yun mag-iisip. Pero katapus-tapusan, Sinigang pa din ang bagsak. Ang gusto ko sa Sinigang 'yung maasim na maasim. 'Yung mapapangiwi ka sa asim. (Nangangasim ata ako habang sinusulat ko 'to). Basta ang bilin lang nun, "Damihan mo Kangkong saka Okra. Onti lang ang Labanos."--- Opo, Sir! :)
4. Menudo
Masarap magluto ng Menudo ang Tatay ko. Pero iba ang style n'ya. Hindi s'ya mapula. At hindi masarsa. Pero masarap. Gusto ko lang magluto ng kabaligtaran nun. Gusto ko yung mapula at masarsa. First time ko nagluto at successful naman. Nagugutom tuloy ako.
5. Kaldereta
Masarap sana ang timpla ko ng Kaldereta.. Kaya lang matigas pa ata. Hehe, so meaning palpak ang luto ko. Pero naubos pa din. Ang ginamit kong part ay Oxtail. Sa susunod na luto ko, perfect na 'yan.
6. Tinolang Manok
Hindi ko paborito ang Tinolang Manok, First time ko lang din magluto nito at awa ng Diyos, naubos din. Tinuruan lang din ako ng asawa ko kung paano. --- Paano nga uli? :P
7. Lumpiang Sariwa
Isa ito sa proud moment ko nung nagluto ako nito. Nakailang gawa na din naman ako pero matatagal ang interval kasi ang trabaho gawin. Tapos ang bilis kainin. Hehehe, matagal pa yung pag prepare. Ako din kasi ang gumagawa ng wrapper. Saraaaaaap!
8. Sinigang na Bangus sa Bayabas
Ginawa ko 'to nung isang beses na may sakit si TJ. Tinanong ko anong gusto nyang ulam (Syempre Sinigang pa din s'ya)... Ang gusto daw n'ya Sinigang na Isda sa Bayabas. May iba nababahuan sa amoy ng Bayabas. Amoy Kili-kili daw. Hmmm, pero masarap. :) So ibigay ang hilig, nagtext pa ako ng di oras sa Nanay ko kung paano magluto nito. Success, dami nakain ng may sakit. :)
9. Baked Tahong
Paborito naman ni Nge 'to. Alam na kapag eto ang ulam. taob ang sinaing. :) Dahil malaki na ang kapatid ko, katulong ko na syang gumawa nito. Taga-kayad ng Keso at tagalagay ng butter at garlic. Tutal naman, s'ya lang din naman ang kakain. Sana lang, ma-achieve ko ang Baked Tahong ng Kroc's. Sila pa din ang may pinakamasarap na Baked Tahong sa lahat ng Resto na natikman ko. :)
10. Honey Buttered Garlic Shrimp
Seafoods... I love Seafoods. Lalo na ang Hipon. Napakadaling gawin, napaka sarap pa. Nakakagutom naman 'tong ginagawa ko.
Napakadami ko nang naluto na. Kinukunan ko ng picture para hindi ko malimutan. Kapag nakita ko na kasi 'yung itsura, naaalala ko na kung pa'no na uli gawin. Ilan lang sa mga nabanggit ko sa taas 'yung mga naluto ko na. Sana madami pa ko matutunan at sana, magustuhan ng mga kakain.
Hanggang sa muli. :)