Tapos na!

on Thursday, March 10, 2011
Natapos na din ang renovation ng aming munting bahay. Isang buwan din ang itinagal at happy naman kami sa naging result. Ilang linggo din kaming nagsiksikan sa sala matulog ng walang kama. Ilang linggo ding iisa ang aming tv (kung ano pinapanood ng isa, eh pinapanood ng lahat). Ilang araw din kaming walang ref. Ilang linggo din kaming nagsisinghutan ng alikabok, matagal-tagal na pagliligpit, pag-hahanap ng mga nawawalang gamit, pagtutupi, paglilipat ng mga cabinet at kung ano-ano pa. Ang hirap. Nakakaiyak na pagkawalis mo eh, maaligasgas ulit... Di pwede ang OC nung time na yun. :)

May mga sitwasyon ding nakipag-bargain pa para lang i-dispose na ang ibang bagay na pampasikip lang ng bahay. Katulad ng mga Orocan na drawers. Kami na ata ang bahay na may pinakamaraming plastic drawers. Isa ako sa mga sumulsol na i-donate na ang mga yun. Nasunod naman ako. :)

Totoo ngang kapag nagpagawa ka ng bahay, parang buntis na nanganganak. Nanganganak ng gastos. Ngayon naniniwala na ako.

Pero lahat kami ay masaya! Lalo na ngayon... :)












3 Comment:

Garetski said...

hindi ko kinaya ang renovation. hehehe. excited na kami umuwi. panalo ang kurtina talaga... magkano?

Cori said...

Naka-sale. P300 per piece. Meron namang P500 dalawa na. :)

Garetski said...

ang mura. alam mo ba na ang kurtina dito, kapag ganyan ang level, 399-499. Times mo sa 6. makakabili na ko ng para sa buong bahay namin nyan.