Isda da da isda...

on Saturday, March 26, 2011

Ilang linggo rin ang pamimilit ni Chubs na bumili nito. Ilang balik na din sya sa Cartimar para tumingin ng mga aquariums at isda. Ipinagpaalam na din kay Mommy at pinayagan naman. (Ang lakas mo talaga Chubs!)

Ayun, kanina bumili na kami. Nung Thursday sabi ko, "Gusto mo na ba bumili?" Walang atubiling, "OO" ang sagot. Hayun, hindi na ata nakatulog nung sinabi kong sa Sabado bili na tayo.. :)

Group effort ang nangyari.. Kasama namin si Dudong na bumili ng Aquarium at accessories. Maraming salamat din at pinahiram nya sa amin ang "stand" niya, at ang mahal pala nun. Katakot-takot na pagtawad ang ginawa ko kanina. Si Avin at Mong tinulungan si Chubs magkabit ng filter at ilaw.

Ang mga nabili:

20 gallons of Aquarium (2 feet)
1 over head filter
1 16 watts of fluorescent aquarium light
Lava rocks at iba't ibang klase ng rocks
Ang ibang accessories ay pinahiram na ni Dudong sa amin.
Sinking Pellet para sa food ng Isda
at 3 kinds of Fish (Needle Nose Gar at Hindi ko alam yung dalawang klase ng isda na nabili namin)

Inilagay namin ang aquarium sa lanay (naks). At according sa narinig ko, ilalabas na din ni Uncle Larry ang aquarium nila kapag may grills na din sila.

Sabi nila ang isda daw pampatanggal ng stress. Sige nga....try! :)

32

on Sunday, March 20, 2011
It's been our 32nd Month together. I love you Chubs!

Mwah!

SUPER

Kagabi, SUPER MOON daw. Parang lalabas cast ng Twilight sa sobrang bilog ng buwan...

Courtesy of Chubs, kinunan nya ng picture.


Anyways, SUPER tapos na din ang bahay namin. Naikabit na ang grills. :) May lanay na din kami. hehehe.

Model daw ulit sya.



Ngayon, pwede nang lumabas hanggang sa lanay sila Sachie and Kekek. Kaya hindi lang kami ang natutuwa pati ang mga doggies. :)


To do's

on Saturday, March 19, 2011
1. Magbayad ng SUN Postpaid line sa Cash & Carry.
2. Paliguan at gupitan si Kekek.
3. Magpa-gas.
4. Maglaba.
5. Magdownload ng Movie. :)
6. Mag-invite ng aplikante para sa Monday.
7. Paliguan ang mga tuta.

After nyan... magtutulog na ko... Yehey!

Happy Birthday Tatay Obet

on Wednesday, March 16, 2011
Birthday ngayon ng pinakapaborito kong Tito sa buong mundo... si Tatay Obet! Binilhan namin siya ng cake for his birthday.

Kinantahan namin ng "Happy Birthday to you"... tapos sabi namin, "Tatay Obet, mag wish ka..." ang sabi nya... "Ang wish ko... sana makita ko si Ine. (Natigilan kaming lahat..) biglang sabi namin, "Tatay Obet, sayo lang magpakita wag sa amin ha..."

Hanggang ngayon malungkot pa din sya.. malungkot pa din ako para sa kanya. Lagi siya pumupunta ng sementeryo.. haaaayy...

Na-i-share ko lang...

Nandito kami Tatay.. Madaming nagmamahal sayo. :)

Tapos na!

on Thursday, March 10, 2011
Natapos na din ang renovation ng aming munting bahay. Isang buwan din ang itinagal at happy naman kami sa naging result. Ilang linggo din kaming nagsiksikan sa sala matulog ng walang kama. Ilang linggo ding iisa ang aming tv (kung ano pinapanood ng isa, eh pinapanood ng lahat). Ilang araw din kaming walang ref. Ilang linggo din kaming nagsisinghutan ng alikabok, matagal-tagal na pagliligpit, pag-hahanap ng mga nawawalang gamit, pagtutupi, paglilipat ng mga cabinet at kung ano-ano pa. Ang hirap. Nakakaiyak na pagkawalis mo eh, maaligasgas ulit... Di pwede ang OC nung time na yun. :)

May mga sitwasyon ding nakipag-bargain pa para lang i-dispose na ang ibang bagay na pampasikip lang ng bahay. Katulad ng mga Orocan na drawers. Kami na ata ang bahay na may pinakamaraming plastic drawers. Isa ako sa mga sumulsol na i-donate na ang mga yun. Nasunod naman ako. :)

Totoo ngang kapag nagpagawa ka ng bahay, parang buntis na nanganganak. Nanganganak ng gastos. Ngayon naniniwala na ako.

Pero lahat kami ay masaya! Lalo na ngayon... :)