Commercial: Before pala nun, nung umaga, magkasama kami ni Mommy sa Baclaran.. Imperness, nanglibre ang nanay ko... nakabili naman ako, kung alam ko nga lang dapat hindi ko na binayadan, willing naman palang siya ang magbayad. Deym! Hahaha! Sinamahan ako sa grocery, and i'm beginning to love Save More Grocery, dun sa may Rotonda, yung dating Saver's.. anyway, after mag-grocery lumafang kami ng LUGAW! Imperness ulit, MASARAP! O pareho lang kaming gutom... malamang sa mga nagbabasa nito, aakalain niyo na "MABABAW ANG KALIGAYAHAN NAMIN MAG-INA... Tama po kayo, MABABAW TALAGA! Hehehe...
Balik sa kwento: Nagluluto na ko ng dumating na si Chubs. Habang si Mommy nag-papa-manicure, inabutan sya ni Chubs ng Flowers, sabay bati ng Happy Valentine's Day... tuwang-tuwa ang nanay ko, ngayon lang din ata naka-recieve ng flowers... hahaha.
Syempre ako din meron... Thank you Chubs... Mwahhhhhh!
Inabot ko na din 'yung Gift ko... Kaming dalawa ni Nge ang namili nung gift. Ang cute. Ang kulit pa, small daw si Chubs... Marunong pa sa kin.. sabi ko "Maliit ang small, ang taba taba nun eh".. Ang ending Medium ang binili ko, Well, tama ako... MEDIUM nga!
February 15: Chubs' Day. Namalengke ako ng pang-kare-kare para dalin pa ng Cavite. Yup, namalengke po ko... Pero first time ko na ako mag-isa magpunta ng palengke. After makabili ng lahat ng kelangan. Ready na ko pumunta sa kanila. Ooops, antay ko pa pala yung pinadeliver kong pizza na dadalhin ko sa kanila... pasalubong! Pagkatapos mamanhid ang pwet ko, nakarating na din ako sa kanila...Sa wakas! Hayyyy, hirap ng probinsya,, yung malayo sa kabihasnan... hahaha! Isa lang masasabi ko.... ANDAMING PAGKAIN! (Inihaw na manok, Stuffed Squid, Inihaw na hito, Kare-Kare, Menudo, Spaghetti, at Lumpiang Shanghai...at ice cream! Tumulong lang ako magluto, wawa naman Chubs, siya lahat eh... :P
To sum up the day: Ang sabi niya... "Thank you Ney... eto ang pinakamasayang birthday ko..."-Chubs.... Aaaaw... na=touched naman ako! :P
Pauwi.. syempre, may take home ako (Haha)... May take home akong Kare-Kare at Menudo... Saraaaaap! Ulam ngayon! :) Mangan! :)
'yun lang... Simple.
Asar. Nalimutan ang picture. :(

2 Comment:
ang sasarap ng cake!! Wuhoo!!!
aba malay ko ba na ganun pala kataba si Tj, kaya kala ko pang-small lang siya.. hahaha.. ni-compare ko kasi sa size ko eh.. :)
o anong nangyari? :)
Post a Comment