Two weeks ago, nung pumunta ako ng Manila Doctors may bloopers na naman ako. It was raining at nagdidiskusyon kami ni Chubs sa text. In short, gulo-gulo ang utak ko. Hindi ko maintindihan, naiinis ako, naiirita, basang-basa pa ko, ang bigat ng dala ko, mixed emotions, lahat na... Anyway, sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko namalayan na sa CR pala ng lalaki ako pumasok. At sakto may lalaking na-wiwi... Nakupo, wag niyo na tanungin ano nakita ko. Hahaha! Hindi ko alam ang gagawin ko, shocked lang. Susme, bigla na lang ako natawa paglabas ko, nagsalita ako ng malakas, "Ang tanga mo Cori!" Tumawag ako kay Chubs agad, para ibalita ang ka-shungakan ko... well, salamat sa blooper na 'yun, imbis na magdiskusyon, natawa na lang kami pareho! Hahaha!
Kwento #2:
Kwento #3:
Anyway, sumasakit na ang ulo ko kakabasa ng "Cave and Shadows by Nick Joaquin".. book report siya ni Tange, at syempre ako ang gagawa. Nasa mid-part pa lang ako pero talagang sinusuka ko na... Sabi ko nga, palitan na lang namin e, sayang naman daw sabi ni Nge. Kaya, heto ako, nagtitiyagang magbasa, nakakatakot kasi yung kwento eh, mysterious na may pagka-weird. Minsan natatakot ako baka mapanaginipan ko. Isa pa, nakaka-nosebleed ang ibang words na ginagamit, knowing na "Pinoy" ang author ah, kinakailangan ko pa ng dictionary. :)
Kwento #4:
Last wednesday, um-attend kami ng "seminar", dahil sa invitation ni Kuya Josel for a business proposition. I don't want to elaborate what's the business is all about, anyway, balik sa kwento, as we were waiting for our orders (kumain kami sa Jollibee dahil past 10pm na hindi pa kami nakapag-dinner), may nagtanong sa 'kin.
Guy: Are you from La Salle Dasma?
Oyie: Hindi.
Guy: San ka graduate?
Oyie: Sa PUP.
Guy: Ok, you look familiar kasi.
Oyie: --nag-iisip, Style neto bulokkkk!
Guy: (Paused) Nag GIP ka ba sa Pag-ibig? (GIP means Government Internship Training.. Summer job sa Pag-Ibig Fund for 2 months. Ang tagal na nun, siguro Year 2001)
Oyie: Ah Oo!
Guy: Sabi na eh... Ka-batch kita dun. Sa Personnel ka, sa (nalimutan ko anong department siya) ano ko...
Oyie: Ahhhhh.... hehe!
Guy: I told you, familiar ka.
Tapos biglang bumulong sa kin si Mommy... --"Ang tindi din naman ng beauty mo, naaalala pa!" (sarcastic tone) Sabi ko, "Ikaw lang eh, wala kang tiwala sa kin. Hahaha!"
kabarberuhan... hehehe! Hango sa totoong buhay!
Good night everyone!
