Ang Kahapon Ko!

on Sunday, December 28, 2008
Yesterday ay pumunta kami sa Greenhills ni Nge at ni Chubs... Para makapag-"post Christmas shopping"... So maaga pa lang ay nandito na si Chubs sa bahay... may dala-dalang Cassava Cake para daw matikman ni Tita Vangie (sipsip)... --Pero according to Tita Vangie, SUPER SARAP, VERY GOOD! --hehe!

Anyway, saktong 10am kami nakarating sa Greenhills. Dahil nga "paldo" kami ngayon, nag-breakfast muna kami sa Mcdo. After kumain at manlait ng mga tao sa paligid namin (hehe, katuwaan lang po 'yun), pumasok na kami sa loob... So ok, ikot ng ikot... naghahanap kasi si Nge ng Jacket na checkered daw.. Ang kelangan - may mga sizes at mura.. mahirap-hirap yata yun kasi sa ngayon, uso dito ang jacket (i guess)... So napag-deceide nya na Shirts na lang ang bilhin... Nakalibre pa ng isa sa akin (as promised).. Nakabili din si Chubs ng isang shirt. After ni Nge, time naman ni Chubs, ikot din kami ng ikot para humanap naman ng rubber shoes pang-basketball (ehem, kasali siya sa LTP Basketball)... at sa kasamaang-palad, wala din siyang nabili. Wala siyang size... asaaaarrr! It's my time, ako naman ang papagod sa kanila. Hehe, we've decided na tumuloy sa Mall of Asia, dun ako sa Grocery! Hehehe, pinagod ko din silang mag-ikot at magbuhat. Pagtapos nun, time naman namin kumain... dun sa matagal na naming cravings ni Nge..... sa Shakey's :P Tatlo lang kami pero ang inorder namin ay pang 5 to 6 persons (Hindi naman kami matakaw eh)... SOGBU!!!

---Kitang-kita kung sino nangungunang kumain! Hehe!

Pagkatapos magpahinga sa kabusugan, umuwe na si Tange at pinabitbit ko na sa kanya lahat ng pinamili, dahil mag-iikot pa si Chubs sa Cartimar para maghanap ng Sapatos.... at ang ending, wala pa din siyang nakita. Kawawang bata. Ilang oras din nakaraan, biglang naalala niyang kelangan niya palang bumili ng Dart Board and Pins para daw sa kanila ng Papa niya... sabi niya "Balik tayong MOA?" Eh sino ba naman ako para tumanggi..... So, nagpunta ule kami. Sobrang dami ng Tao, hapon na kasi yun... Imagine sa MOA, nagkakabungguan ang tao, eh ang lawak lawak nun (pero talagang gusto ko ang MOA)... Ang ending wala din siya nakita (meron pero napakamahal), Sabi ko, balik tayo sa mga cookware, bili ako ng Non-stick na Pan, yung medyo malalim, para kumpleto na ko, gift ko man lang sa sarili ko... Kaya ngayon, Haping-happy na ko!!! YEY!!!

Pag-uwi sa bahay, binigay ko na 'yung gift ko kay Chubs. Sabi ko sa bahay na niya buksan. Umuwi din sya agad kasi magsisimba pa kami.

Ayun, nagtext ang bata, nakaka-iyak daw gift ko. Hahaha! Ang gift ko? Listahan ng utang, haha! Joke!

Daming nangyari.... kapagod! :)

2 Comment:

Feelingerong Oppa said...

salamat sa shakey's..

salamat sa t-shirt..

at salamat kay chubs... :)

ano ba yung gift mo kay chubs? share mo naman..(parang hindi alam kung ano ung laman noh? haha)

Cori said...

walang anuman nge... sa susunod kaw nman ang manlibre...