Excuse ako, first time ko eh!

on Monday, December 29, 2008
Nabinyagan ko na ang Oven ko... nag brownies ako kahapon! Pagbigyan niyo na ko, first time ko kaya may mga palpak pa.. hehe!

-- hilaw 'yung gitna kasi nagkamali ako ng lagay ng rack, hindi sa gitna. Kaya pinasok ko ule ng ilang minutes pa.
-- crunchy yung ilalim, hindi naman dapat ganun. hehe.
-- imbis na mousse ang toppings naging icing. Ok na din, masarap naman.
-- naubos naman nila 'yung brownies, 'yun nga lang si Ninong biglang nanghingi ng imodium. (haha!)


All in all, pasado naman sa kanila. Masarap daw para sa first timer. Ngayon ko lang napagtanto (deym, ang lalim).... Mas mahirap mag-bake kaysa magluto. Ang linya ko nga palagi ngayon, "Sa baking walang remedyo, sa pagluluto meron." Ang mahal pa ng mga ingredients, saka kailangan talaga ng measurements, sa pagluluto wala tulad halimbawa, kapag maalat, dagdagan ng tubig, kapag malabnaw lagyan ng cornstarch. Pero, sobrang nakaka-aliw... Kanina namili ule kami ng baking products sa Baker's Depot (sa Waltermart), grabe, para siyang Chocolate Lovers, mukhang mapapadalas ako dun.

:)

-------------------

Atlast, solved na ang cravings ko ng TAPSILOG. Nag-breakfast kami sa TAPA KING! :)

SARAPPPPPP!

Isa ngang Kuya Ariel Pose! Hahaha!
:)
"Yessssss..... pose kung pose!!!"

Ang Kahapon Ko!

on Sunday, December 28, 2008
Yesterday ay pumunta kami sa Greenhills ni Nge at ni Chubs... Para makapag-"post Christmas shopping"... So maaga pa lang ay nandito na si Chubs sa bahay... may dala-dalang Cassava Cake para daw matikman ni Tita Vangie (sipsip)... --Pero according to Tita Vangie, SUPER SARAP, VERY GOOD! --hehe!

Anyway, saktong 10am kami nakarating sa Greenhills. Dahil nga "paldo" kami ngayon, nag-breakfast muna kami sa Mcdo. After kumain at manlait ng mga tao sa paligid namin (hehe, katuwaan lang po 'yun), pumasok na kami sa loob... So ok, ikot ng ikot... naghahanap kasi si Nge ng Jacket na checkered daw.. Ang kelangan - may mga sizes at mura.. mahirap-hirap yata yun kasi sa ngayon, uso dito ang jacket (i guess)... So napag-deceide nya na Shirts na lang ang bilhin... Nakalibre pa ng isa sa akin (as promised).. Nakabili din si Chubs ng isang shirt. After ni Nge, time naman ni Chubs, ikot din kami ng ikot para humanap naman ng rubber shoes pang-basketball (ehem, kasali siya sa LTP Basketball)... at sa kasamaang-palad, wala din siyang nabili. Wala siyang size... asaaaarrr! It's my time, ako naman ang papagod sa kanila. Hehe, we've decided na tumuloy sa Mall of Asia, dun ako sa Grocery! Hehehe, pinagod ko din silang mag-ikot at magbuhat. Pagtapos nun, time naman namin kumain... dun sa matagal na naming cravings ni Nge..... sa Shakey's :P Tatlo lang kami pero ang inorder namin ay pang 5 to 6 persons (Hindi naman kami matakaw eh)... SOGBU!!!

---Kitang-kita kung sino nangungunang kumain! Hehe!

Pagkatapos magpahinga sa kabusugan, umuwe na si Tange at pinabitbit ko na sa kanya lahat ng pinamili, dahil mag-iikot pa si Chubs sa Cartimar para maghanap ng Sapatos.... at ang ending, wala pa din siyang nakita. Kawawang bata. Ilang oras din nakaraan, biglang naalala niyang kelangan niya palang bumili ng Dart Board and Pins para daw sa kanila ng Papa niya... sabi niya "Balik tayong MOA?" Eh sino ba naman ako para tumanggi..... So, nagpunta ule kami. Sobrang dami ng Tao, hapon na kasi yun... Imagine sa MOA, nagkakabungguan ang tao, eh ang lawak lawak nun (pero talagang gusto ko ang MOA)... Ang ending wala din siya nakita (meron pero napakamahal), Sabi ko, balik tayo sa mga cookware, bili ako ng Non-stick na Pan, yung medyo malalim, para kumpleto na ko, gift ko man lang sa sarili ko... Kaya ngayon, Haping-happy na ko!!! YEY!!!

Pag-uwi sa bahay, binigay ko na 'yung gift ko kay Chubs. Sabi ko sa bahay na niya buksan. Umuwi din sya agad kasi magsisimba pa kami.

Ayun, nagtext ang bata, nakaka-iyak daw gift ko. Hahaha! Ang gift ko? Listahan ng utang, haha! Joke!

Daming nangyari.... kapagod! :)

This just came in....

on Friday, December 26, 2008
Thank you Tita Vangie for the non-stick pan and turner!!! I Love it.... :) And thank you for the Baking Ingredients.... sarap mag-grocery ng walang gastos... my baking needs are complete! :P

LUTUAN NA! :)

Happy Christmas!

Binuksan ko na ang gift ni Chubs sa 'kin.... :) (Medyo nahirapan nga lang ako magbukas, hehe)
I'm soooooo happy!!!! Thanks Chubs... :)
Love you! :)



"Makakapag-bake na ko! Yey!!!"

Naging masaya naman ang aming Christmas.. hindi ko na i-blog kasi po naunahan na ko ng aking kapatid na si Nge. Anyway, nalulungkot ako kasi walang pictures last Dec 24, kasi na-corrupt ang mga pics sa Digicam... haaaay! Sarap sanang pagtawanan mga pictures dun.

Anyhow, isa sa mga masarap tuwing pasko ay ang PAGKAIN! Minsan lang kasi mangyari sa amin na mapuno ang laman ng Ref... sa sobrang kapunuan, hindi mo na malaman kung ano kakainin mo at kung ano ang iluluto mo... (Ang laki ba ng problema ko? haha)

Macaroni Salad, Carbonarra, Leche Flan...etc

Siomai, Siopao, Hotdog, Ham, Longganisa, Embotido....etc

O diba? Eto pa, Eto pa!

Choco Chip Cookies, Corned Beef, Ham

Woohoo, dami stock! Minsan lang mangyari sa min yan. :P Kaya pagpasensyahan niyo na ko kung exaj ako mag-blog! :P
Ang new year's goal ko ay makumpleto ko ang gourmet set ko... Kada aalis ako, hindi pwedeng wala kong nabili para sa kusina... :P I'll be posting pics para sa nabili kong gourmet knife at iba pang gamit. Naaaliw ako e!

'Yung iba pag-iipunan ko pa... medyo maluho kasi! :)

By the way,
Eto ang aming serbedora for the day, nagawa ng salad!


-------------------
This picture was yesterday at Tatay Diko's house! Ang sarap ng mga handa nila!!! Kare-kare, Lumpiang Shanghai, Palabok, Menudo, Pot Roast Beef with Gravy etc... Busog na naman ako!



HAPPY CHRISTMAS EVERYONE!!!!!

A BIG BOX!!!

on Sunday, December 21, 2008
Chubs's Christmas gift to me... "A BIG BOX!!!" Hehe, can't wait to open it.. pero tiis muna ko, kasi sa 25 pa kami ng morning magbubukasan ng gift... ka-excite! Nagkakaroon na nga ng haka-haka dito kung ano laman... sabi TV, sabi Monitor, sabi kitchenware set... hahahaha!!! Ano ba talaga??? We'll see.... ayoko muna isipin, na-eexcite ako... Sabi naman ni Chubs, ASO daw laman nun.. ngek!!!

Anyway, andaming pasalubong ni Chubs sa min.. (Parang siya ang nanggaling ng BORA ah!) Meron akong Choco Chip Cookies, Lufthansa items like Mug, Umbrella for Momi, Cap for Dadi (na hindi magkasya, laki kasi ng ulo..haha), and Kalendaryo! Mukha na kaming Lufthansa dito..... :P

"Dami ng gifts... Christmas is so near!"

By the way, HAPPY 5th MONTHSARY CHUBS!!!
Love you... :)

Thanks for everything!

I LOVE BORA!

on Sunday, December 14, 2008
Hay sarap... Hindi ko akalaing makakapunta ako ng twice this year sa Bora! Napaka-swerte ko talaga...

Share ko lang mga pictures:

At the NAIA Terminal 3 - woohoo, according nga kay 'Ta Vangie, para siyang nasa SanFo Airport.. Ganda kasi...


From the airport, magbabayad ng Access Fee dito: Dahil First time kong mag-Caticlan, bago din sa kin tong lugar na 'to. heheBoat Ride to Bora... yahoo!

First day: Photo Sessions
Dinner at Cindy's D'MallSecond Day: More Photo Sessions
Brunch at Waling-Waling
Third day: Food, Food and Food
Ang sexy ko dito!Sobrang sarap ng Crazy Crepes... mas masarap kasi libre. Ang mahal kasi. HeheLunch at Tesebel: Sea Foods, wow!!!Dinner at Gold Crowne: Buffet - Busogggg!
Last Day: Unfinished Business, hehehe!
Ang swimming pool na hindi tiles.. bato siya... pero masarap mag-swimming!
White House Beach ResortGanda ng Cabana ng White House. I love it!
Glitter Tattoo: Hindi kumpleto ang Bora kung walang Glitter Tattoo!
Nakikita niyo 'yung katabi ko.. Bumbay, napaka-baho!Pal Express: :)Arrival at NAIA T3.. I'm back!

Gaya nga ng sinabi ko last March... "BORA I'LL BE BACK!!!"