SCARY!

on Sunday, October 5, 2008
Deym.. napanaginipan ko na naman si Acoy.. Ang setting dito sa compound, alam ng lahat na patay na siya. Pero siya hindi. Nakaupo siya sa monoblock sa tapat ng bahay nila Tita Sarah... 'Yung suot niya 'yung usual niyang suot, yellow na sandong manipis saka yung pambahay niyang pants.. Oh my, ako daw nakaupo sa tapat ng bahay namin.. tinitignan ko siya (dahil aware ako na patay na siya), at tinitignan niya din ako.. nakupo, talagang nakatingin siya sa kin, nagkatitigan kami... tapos biglang kinausap ako ni Mama Puring, sabi... "Hayaan mo na...." Tapos biglang tumabi si Mama kay Acoy, nagbulungan sila... Sa takot ko, nagpunta na lang ako sa dulo, para manood ng majong, ang scary pa dun, nag-miron din si Acoy, at tinatabihan niya talaga ko! NAKAKATAKOT!!!!!

FYI, last year, napanaginipan ko din siya... October 28, yup, bday ko... Nasa bintana siya sa labas ng kwarto niya, at kumakaway sa kin ng nakangiti... hindi naman ako natakot, kasi masaya yung mukha niya... mataba siya saka nakangiti sa kin. Ang suot pa nga niya 'yung suot niya nung inilibing siya... Sabi nga binati lang siguro ako at nagpaalam.... Ngayon, binabati na naman niya ko, October na naman eh... Acoy, ok na ha.... ok na 'yung isang greeting... :)

3 Comment:

Feelingerong Oppa said...

hala!!!!!!!

Garetski said...

happy bday lang naman daw... kaw naman... lagot! :)

Cori said...

kaya nga tama na ang isang greeting... natakot talaga ko sa panaginip kong yun...