What a Saturday! (My 100th Post)

on Sunday, September 7, 2008
Kahapon, nagpunta kaming MANILA ZOO ni Chubs! Hehehe... Muntik ng hindi matuloy dahil umulan. OK sa trip... hehehe! Nagluto ako Spagetti, babaunin nga dapat namin sa zoo, ang nangyari, dito na namin kinain sa bahay... Ang nakakatawa, sobrang dami ng nilagay ko sa plato ni Chubs, as in punung-puno (natatakot, kasi kelangan niyang ubusin yun)... sabi ko, "don't worry, pag di mo kaya ako uubos!" So kwento kwento, naubos din... natawa ko kasi sabi niya "Ney, pati ba tinapay kelangan kong ubusin?" Hahaha, sabi ko, "Sige yan, kahit hindi na...hehe"...

Ok naman, dito muna kami sa bahay, pinapakiramdaman kung aalis pa o hindi na.. (lintik na ulan eh)... So tumigil, sabi niya, "bihis ka na..." sabi ko, san tayo punta? Sabi niya, "gusto mo MOA na lang? Sabi ko, "kung MOA, dito na lang tayo sa bahay... wala naman magagawa dun..." hmmmm, isip isp kami... maya-maya, nagbihis na din ako... Tara na!

Pagdating sa metropoint, sabi niya, tuloy tayo Manila Zoo... Sabi ko, Sige!

Ayossssss..... para kaming bata! Nakaka-aliw! Nakakita ko ng Cotton Candy! Peborit, so bili kami! :) Hindi ko expected na marami pa din palang pumupunta sa Manila Zoo... at maganda pa din, marami pa din namang animals, at mejo malaki siya... Sulit na din ang P40 na entrance fee.

Eto ilan sa mga pictures kahapon....

Takot kami sa Ostrich... sabi niya, "Ney, ang laki ng paa ng ostrich. Pano kaya pag-umorder ka sa Chinese Restaurant ng Ostrich Feet instead of Chicken Feet.. hahahaha!"

Pinagde-dessert ko yung ibon ng cotton candy, wawa naman e! (Joke lang, di ko pinakain, hehe)


Pose muna!

Ganda na ng view eh, si Ate sa likod tinalo ko sa posing!

Isipin nyo na lang totoo...



Kichi kichi.. ke baby monkey!


Naka-lock yung Wishing Well, kasi daw lalabas si Sadako! Haha!









Eto 'yung EMO na kabayo.. sayang tumagilid, di ko napicturan!

Eto naman 'yung para daw na-rape na unggoy! Hehe! Pose kung pose!




Ang hippo na malaki daw ang problema!

Eto mga videos... hehehe!







After Manila Zoo, pumunta kami Harrison Plaza.. O diba, Date kung Date! Bili kami mga DVD! Tapos, nagpunta kami San Isidro... bringing back the old days... sobrang ok! Tapos, lakad sa Sandejas, Dominga... haha, sumakit paa namin pareho... Oh, gusto niyo mag-reminisce diba! Pero ayosssss!

What a Saturday! :)

3 Comment:

Feelingerong Oppa said...

php40 lang? mura ah...

GARET said...

manila zoo! ayos sa trip! pero mukhang maayos na naman eh.

Cori said...

maayos naman.. madami pa din animals.. wala nga lang lion.. puro tiger lang..

and yes, P40 lang.. sulit na din...

mababaw lang kaligayahan namin pareho eh.. hehe