Si Daddy daw kanina bumili sa tindahan sa Tramo...
Daddy: Pagbilan ng maiinom..
Tindera: Ano po?
Daddy: Kahit ano basta malamig..
Tindera: (Binuksan daw yung ref).... Cobra!
Daddy: (Ang pagkakarinig SOBRA!) Oo!
Tindera: (Walang kamalay-malay na bingi ang Tatay ko, binigay 'yung Cobra!)
Daddy: (Nagulat..) NGEKKK!
No choice... ininom na niya! Bukas na eh...
......Hahaha, ang nakakatawa dun, hanggang ngayon hindi siya inaantok! Hahahaha! Eh Dy, tinira mo ba naman energy drink eh! hahaha!
(Dito sa Pinas, naka-bote sya na parang softdrinks..)
Habang nagmamajong sila Mommy... (Eto, kaka-kwento lang...)
Tita Pek: Si Imelda nagtitinda din 'yun ng mga I-bon eh..
Mommy: Ay talaga, maganda yun.. nagbebenta sila... Nagpapa-anak sila ng mga Ibon. 'Yung katrabaho ko si Rachel, ganun business, maganda yung ganun.
Tita Pek: Hindi... yung mga Bra saka Make-up.. yung I-VON ba...
Mommy: Ah, AVON pala... (Nagtawanan na lang sila...)
Eto medyo matagal na... (Tita Pek na naman..)
Tita Pek: Dang, bumili ka nga ng Tomato Pis sa tindahan.
Dadang: Pagbilan nga ng Tomato Pis..
Tindera: Ha?
Dadang: Inulit pa.. Tomato Pis!
Tindera: Baka Tomato PASTE?? (Pinakita yung tomato paste.)
Dadang: Ay, oo iyan nga.. (Asar na asar sa Mommy niya, Tomato PASTE nga naman! haha)

May kinakain si Ericka....
Oyie: Ano 'yan? Patikim!
Ericka: O...
Oyie: Sarap neto ah... Ano pangalan neto, saka san mo nabili?
Ericka: Ke Aling Dory, PU-JI Barr..
Oyie: Ah ok.. (Pumunta kay Aling Dory..)
Oyie: Pagbilan nga po ng PU-JI Barr..
Aling Dory: FUDGEE Bar? (Sabay abot..)
Oyie: Ngekk, pagkabasa ko, FUDGEE BAR nga! Haha... (Nakakahiya!)

Kasi kasi, Ericka naman, FUDGEE BAR nga naman ang basa dun! Pero grabe, paborito ko tong Milky Craze Flavor :)
Ang moral lesson:
Wag basta basta maniniwala sa mga naririnig.... (lalo na kung bingi ka!) hehehe!

5 Comment:
hahahaha.. da best ang i-von... hahahah... kala ko din ibon eh. :))
nakakahiya ka kay aling dory...
hahaha. may kapalit na si acoy. sinasaniban yata si tita pek. bwahahaha!
hahaha! oo nga, mukang sinasaniban ni acoy... pero pioneer pa rin si acoy! Mc-donut! hehe :)
Classic talaga ang pagkabingi ni Tiyong Ongie. Akala ko minsan sadya akong hindi pinapansin niyan kasi kinakausap ko ng maayos tapos, nakatulala lang.
nako ate vayie, dapat may mic ka para marinig ka.. haha.. pero, aminado naman kami na lahat kami mana sa kanya! hehehe
Post a Comment