All good!

on Sunday, August 17, 2008
Kahapon ay Saturday... at pagkakataon na para makapagkita ng matagal-tagal ng Chubs ko! We don't have plans... basta makapagkita lang! So, nagpunta siya dito sa bahay... Nasa sala si Daddy nanonood ng TV, at si Mommy nandun din. Oh well, dahil sa hindi ko alam na on the way na pala siya papunta, hindi pa ko nakilos.. As in, di pa naliligo, kumakain... etc etc.

Ang text ko: "Magkikita ba tayo ngayon? Wala ka kasi binabanggit eh." (Uyy, parang may LQ nung gabi... hehe)
Sabi niya... "Yup, on the way na ko..."
Sabi ko... "Hala, maliligo pa lang ako..."
Sabi niya..."Sige lang..."

Nako, hindi niya yata ko kilala kung gaano ako katagal kumilos... hahaha! So, naligo na ko... Nagbilin na lang ako kay Mommy, "Mi, dadating daw si TJ, paki-abangan naman baka habulin ng aso eh..."

Nagtext siya... "Trike na ko..." -- Nako patay, kakatapos ko lang maligo... So, ayun na, narinig ko ng nagkakahulan ang mga aso.. siya na yun! At, may dalang food... (hmmmm!) Cassava cake na pinagmamalaki niya, from Molino daw yun.. (Probinsya..hehe, Joke!)

Natatawa ko narinig ko sabi ni Mommy, "Andami naman nito, mag-uuwe ka ba?" Haha, Mommy, dinala nga dito eh, tapos, mag-uuwe sa kanila? Halerrrr! Ayun, hindi ko na alam ang mga next na nangyari.. ang alam ko lang kinausap siya ni Tatay Obet, pinakilala siya ni Mommy!

Narinig ko din (puro narinig ko lang, kasi nagbibihis nga ako) sabi ni Daddy, "San lakad niyo ni Cori?".... Sabi niya, "Sa Baclaran po.." -- Matagal ng napag-usapan namin ang mag-Baclaran, kasi nga, gusto ko bumili ng mga shorts... --Pero may feeling na ko na hindi 'yun matutuloy... haha!

Ano pa ba? Nakilala na niya si Melissa (ang aking pakner sa lamunan!)...hehe! Nako, madaming nag-aantay sa Cassava Cake.. si Avin sumilip pa dito sa kwarto ko sabi.. "Macong, penge naman ako..." Sabi ni Mommy, "Mamaya na, andiyan pa yung nagbigay, nakakahiya!" Hahaha....

So ayun na, aalis na kami... Tirik na Tirik ang araw... nako, ang bata, so VAIN! Takot sa araw... Hahaha! So, walang BACLARAN.... San kami nakarating??? Sa Glorietta! Ayun lang.... TAPOS NA KWENTO! Hehehe!

P.S
Habang nasa Glorietta kami, nagtext si Mommy, sabi niya... "Pakisabi kay Jay, masarap ang cassava cake... Salamat." -- ay, ang isang bata natuwa! hehehe

Pagkauwi...
Tatay Obet: "Yun ba bata mo?"
Oyie: Oo!
Tatay Obet: May TATTOO ba yun? Hinahanapan ko nga ng Tattoo eh.. Hehehe!
Oyie: Walang Tattoo 'yun, kahit Ear piercing wala!
Tatay Obet: Mabuti.

Hindi makakaligtas sa akin picture! Hehehe!

Eto, maayos pa!

Belat!!!

Ang sarap lapirutin!!!

Rrrrrrr!

Ang pinaka-favorite kong shot! hehehe


3 Comment:

GARET said...

pakisabi dyan kay TJ, masyado nang maraming food ang dinadala na wala ako. kelangan pag uwi namin, matikman ko a. hehehe :)

Feelingerong Oppa said...

imperness, masarap nga ang cassava cake... sa next na punta niya, pwede na bang mag-request? hahaha.. joke!!!

Cori said...

hahaha... sasabihin ko! :)