I wrote this 5 days after the "you know"... Sabi ko, hinding-hindi ako mag-post about dun sa nangyari… Sinulat ko to while I was at work, 'yung mga panahong medyo sariwa pa.. Nagdadalawang isip ako kung ipopost ko o i'll just keep it sa drafts ng email ko... (bawal kasi blogger sa work kaya draft ko muna sa email) I don't wanna sound so bitter (kahit totoo), ayokong ipangalandakang NILOKO ko ng pinagkatiwalaan kong tao (ayan na naman ako, haha!) pero, hindi kasi kumpleto ang BLOG ko kung di ko i-popost... At isa pa… Blog ko ‘to diba?
***********
Sobrang sakit…. ‘yan pala talaga ang mararamdaman mo kapag niloko ka ng boyfriend mo… To the point na hindi ka makagalaw, parang nanghihina ka, manhid buong katawan mo, hindi ka makatulog, hindi makakain….walang halong biro, ngayon ko lang naramdaman yung ganun…
Nag flashback tuloy sa kin, yung mga panahong ako ang nagpapayo sa mga kaibigan ko, lalo na kapag heart broken sila… sinasabi ko, Eh ano? Lalaki/Babae lang yan! Madami diyang iba, noh! Hindi mo siya kawalan, pagkatapos ng ginawa sayo? Hindi mo deserving yung taong yun! Palitan! ---Nakupo, talaga palang “Madaling sabihin, Mahirap gawin”… Lalo na’t ngayon naramdaman ko na… Trust me!
Sampung taon - hindi biro ang ganung katagal na relasyon… Oo, madami kaming naging problema noon, pero, nakaya namin. Wala pala talaga sa tagal yun… Talaga yatang ganun… masakit man, pero kailangang tanggapin ang lahat ng mga pangyayari.
Bakit ganun? Anong mga pagkukulang ko, bakit niya nagawa yun? Dahil ba magkalayo kami? Ano na lang ang iniisip niya, kapag sinasabi niyang, “Panget, konting tiis lang, magkakasama din tayo.. Mahal na mahal kita Panget… Miss na miss na kita… Panget, behave ka diyan ha… “ Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung mga panahong sinasabi niya yun… pilit kong iniisip kung anong naging problema? Ok naman kami e… bakit ganun?
Umikot ang buong buhay ko sa kanya… Nagkaron ng mga plano , naniwala at umasa. Gusto ko siyang sumbatan… Gusto ko siyang awayin… Gusto kong itanong sa kanya, bakit niya nagawa yun? Pero, para saan pa? Para magsinungaling ule? Naman! Hindi yata bagay sa kin maging martir, eh?
Kaw naman kasi Oyie, ang naging malaking kasalanan mo ay nagmahal ka at nagtiwala ng sobra… Yun lang!
Alam kong mas madami pang iba diyan ang may mas masakit na karanasan about pag-ibig… ang masasabi ko lang “AMEN!!! MASAKIT PALA TALAGA!”… iniyak ko ng lahat… inilabas ko na ang sama ng loob ko, pero kulang pa din…
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, I know, I’m not totally over him... I’m trying to, pero, I am taking it one step at a time... Well, according to mommy, I look better now… sad face is merely gone… Ilang gabi ding mugto ang mga mata ko ah.. ‘Yung nga lang, may mga panahon na bigla kong naiisip tapos, sasabihin ko “Baka nananaginip lang ako??” Hehe, tapos hindi pala.. totoong nangyari pala.. (Nangyari din ba sa inyo yun?) Nako!
Ano na lang ang i-rereact mo kapag sinabi sayo ang mga linyang, “MAHAL KITA PANGET… hinding-hindi magbabago yun… nakatatak ka sa katawan ko, sa isip at sa puso ko…” Pero, nagawa na niya yung pagkakamali… Ah haler? Babalik na naman tayo sa katanungang “Bakit mo nagawa ‘yun kung ganun naman pala?” Ang mga lalaki nga talaga… ang gulo!
Oh well, life must go on… at ganun ang ginagawa ko… at sabi nga ng ate ko, “Everything happens for a reason”… feeling ko tuloy ako si Phoebe, habang sinasabi kong “I guess, we really aren’t meant to be!” Charmed na Charmed ang buhay ko! Hehehe…
Teka nga, kakanta na lang ako….
I didn't know where to turn to
See somehow I can't forget you
After all that we've been through
Going coming thought I heard a knock
Who's there no one
Thinking that I deserve it
Now I realise that I really didn't know
If you didn't notice you mean everything
Quickly I'm learning to love again
All I know is I'm gon' be ok
[Chorus:]
Thought I couldn't live without you
It's gonna hurt when it heals too
It'll all get better in time
And even though I really love you
I'm gonna smile cause I deserve to
It'll all get better in time
I couldn't turn on the TV
Without something there to remind me
Was it all that easy
To just put aside your feelings
If I'm dreaming don't wanna laugh
Hurt my feelings but that's the path
I believe in
And I know that time will heal it
If you didn't notice boy you meant everything
Quickly I'm learning to love again
All I know is I'm gon' be ok
[Chorus:]
Thought I couldn't live without you
It's gonna hurt when it heals too
It'll all get better in time
And even though I really love you
I'm gonna smile cause I deserve to
It'll all get better in time
Since there's no more you and me
It's time I let you go
So I can be free
And live my life how it should be
No matter how hard it is I'll be fine without you
Yes I will
[Chorus: x2]
Thought I couldn't live without you
It's gonna hurt when it heals too
It'll all get better in time
And even though I really love you
I'm gonna smile cause I deserve to
It'll all get better in time
-----Better in Time by Leona Lewis
***********
I did something bad a while ago... and how do I feel??? Relieved..... hahaha!
4 Comment:
Mabuti na rin na ilabas na `yan, kahit `man lang sa blog. Anyway, hindi naman kabawasan `yun sa iyo kung ia-admit mo na masakit pa rin and that you're not yet over him. Therapeutic na rin ang pagblo-blog kahit papaano.
Kung hindi mo naitatanong, nangyari din sa akin `yan - GANIYANG-GANIYAN katulad nu'ng sa iyo. Pero hindi ko pa rin pwedeng i-compare kasi mas matagal ang pinagsamahan niyo. Kami isa't kalahating taon lang bago niya ginawa `yun.
Sorry, alam kong hindi ka nanghihingi ng payo kasi hindi naman tayo super close atchaka tayong magpipinsan hindi naman expressive sa isa't isa, kaya hindi rin naman ako makapag-offer ng help. Nire-respect ko na rin `yung silence mo. Pero sa point of view ko, okay lang `yan na i-blog mo.
One day at a time lang `yan, mahirap talaga. Pero unti-unti lang `insan.
thanks.. ate vayie! Naku, sobrang traumatic ng nangyari kasi.. pero, mejo ok ok na! may mga times lang na naiinis pa din ako...
sabi ko nga.. hindi lang naman ako ang neartbroken sa mundo... hehehe
sana nga, mag bonding naman tayo... masarap pag-usapan ang mga ganito.. hahaha!
at ano ang ginawa mong BAD?
ayan, andyan si vayie, pwede kayong mag-usap. :)
yung bad?? hahaha! secret...
Post a Comment