Naalala ko lang!

on Wednesday, July 16, 2008
Sa PUP:

Kasama ko si insan Dudong, pababa ng dome... nag-uusap kami ng pinsan ko ng may babaeng may hawak ng libro na dumaan sa harap ko... kumaskas yung dulo ng libro niya sa braso ko.. (imaginin niyo, diba talagang yung plastic cover nakakatusok?) Ok na sana e, kaya lang hindi nag-sorry.... ang ginawa ko:

Oyie: ARAY!
Babae: (dedma.. tuloy ang paglalakad)
Oyie: ARAAAAYYYY!!!!
Dudong: (Natatakot na sa kin...)
Oyie: ARAY ARAY ARAY ARAAAAAYYYY..... (pumapadyak pa ko nun!)
Babae: (Wala, dedma pa din, baka bingi o pipi...)

-----Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa yun... hahaha, asar lang talaga ko sa mga hindi marunong mag-sorry!

Sa PUP ule:

Naglalakad na ako saka si Insang Dudong (ule) palabas na ng Teresa St... Meron na naman babae ang bumangga sa kin... ang nangyari, tumapon lahat 'yung dala kong libro... Ang ginawa ko, tinitigan ko 'yung babae... sabay sabi: "SORRY HA!!!" 'Yung babae, DEDMA na naman.... Iniwan akong magpulot mag-isa ng mga libro ko.... Ang ginawa ng magaling kong pinsan, pinagtawanan pa ko habang nagpupulot ako mag-isa... Kasi daw, wa-epek ang pagtataray ko... O diba, bakit may mga taong ganun?????

Ok ok.... meron pa!

Nag tricycle ako sa Spring (7-eleven) pauwe ng bahay.. (matagal na ito, 4.50 pa lang yata ang jeep, hehe)

Oyie: Tolentino po.
... makalipas ilang minuto, nandito na kami sa tapat ng bahay namin...
Oyie: Nagbayad ako ng kinse. (P15.00)
Driver: Bente po. (P20.00)
Oyie: Ano???? Kinse lang! Ang lapit-lapit eh....
Driver: Lapit-lapit lang pala eh, dapat NILAKAD mo na lang!!!!

Oh well, ang ending..... Kinse pa din binayad ko.. Ano ka HILO???! Sayang din limang piso noh???!!!!

***************

Kanina... papasok sa trabaho, ang lakas ng ulan.. as in buhos talaga! At baha, dun sa pagbaba ng LRT... Nakaka-inis... ayaw na ayaw ko lulusong sa baha! Nandidiri talaga ko... andun na din yung natatakot ako at baka, paghakbang ko, eh lumubog na lang ako sa mga open manholes.. (opo, paranoid po ako!)...

Nagkakagulo ang mga pedicab drivers.... ang iingay! "OH TAWID TAWID OH!!!!! KESA MABASA KAYO".... Nagtanong naman ako.... MAGKANO PO???? Sabi nung driver.. BENTE LANG!!!! Sabi ko... "ANO, BENTE???" Eh itatawid niyo lang... Sobrang mahal niyo sumingil!!!! Parang sampung hakbang ko lang yan e.... (Kahiyaan na to, madami ng nakatingin sa kin..) ANg ginawa ko, tinaas ko yung pantalon ko at saka LUMUSONG sa BAHA!!!! Nakupo, nabasa pa din.. mejo malalim kasi.... Sabi ng driver, habang naglalakad ako "AYAN, NABASA TULOY PANTALON MO... (Pang-asar na ngiti...) Ay nako, KEBER!!!! BENTE??? No way!!!!!

War freak ba ko??? Hehehehe

3 Comment:

Feelingerong Oppa said...

ako ayos, nasa LRT ako, ambon lang.. pagbaba ko ng LRT, bumuhos ang ulan.. Ayun, basang basa ako pag-akyat ko sa classroom. hehe.

Basang basa paa ko. Nag-paa nalang ako sa classroom. hehe

GARET said...

war freak? Ikaw? itanong mo kay Dodong... sana sumigaw ka "i wanna talk to your manager!" hehehe :)

Cori said...

hehehe... ikaw nga pala te ang war freak!!!!