Muling ibalik ang tamis ng Makati

on Thursday, July 10, 2008
Kahapon, binaybay kong muli ang Makati... nagpunta kong Update, woohoo, excited ako! Di ko alam bakit, basta excited ako... I called Aris, officemate ko dati, sabi ko:

Oyie: Ris, punta ko diyan!
Aris: Sige, antayin kita.
Oyie: Wala bang bossing?
Aris: Mukang di na babalik, wala na 'yung gamit eh...
Oyie: Ge, punta na ko.

So, sakay na ko ng FX papuntang Buendia LRT - Nagbayad ako ng P20.00... (Take note, mga 3 months din akong hindi nag FX, since sumasabay na ko sa mga katrabaho ko mag jip at mag LRT. Ang huling sakay ko ng FX, P12.00 lang...) So, antay kong ibalik sa kin ang sukli... nag-aayos ng mga barya 'yung mamang driver, so sabi ko, sige maya-maya ko na sisingilin yung sukli ko... aba, vito cruz na ko, wala pa din... para di ako mapahiya, sabi ko sa katabi ko, "P20 na ba ang pamasahe?" Sabi nung ale, OO! Di ko napigilan sarili ko... sabi ko.... "Ano??? Bente na??? Grabe ang mahal na!" Natakot yata yung katapat kong mama kasi ang lakas ng boses ko... hahaha!

Anyway.... pagbaba ng Buendia, nag Bus na ko ng AYALA.... Sarappp.. lamig! Nagbayad ako... at ok lang kasi P11.00 lang hanggang herrera... Ayos! Grabe, pagpasok ng Ayala... para akong naliligaw... pramis, parang andaming nagbago lang... May Krispy Kreme na, Informatics na 'yung dating BLIMS, wala ng Salt & Pepper (na hindi masarap ang food - talagang asin at paminta), may bagong building na dun yung MJ PLAZA - call center na ng 24/7... Goshhhh! Pero in fairness si Manong LANDMERRRK, andun pa den.... hahaha!

Sandali lang ako sa office kasi, hinayupak na Aris to, andun pala yung isang boss... bigla daw dumating... haha, kaya no choice nakita din ako... at ano una niyang sinabi????

ASL: Cori, you gained some weight!
Oyie: Oo nga po eh!
ASL: Mukang masarap pagkain ng Red Chef ah!
Oyie: Oo nga po eh...

(Parang pareho lang yung sinabi ko? hehehe, ni hindi ko na-defend sarili ko,)

'Yung sinadya kong desk calendar, hindi ko nakuha, tinapon na yata.. sayang, madaming memories yung calendar ko na yun... haaaay! Anyway, nagpunta na lang ako sa office nila momi.. sayang din ang pamasahe pauwe, kaya sumabay na koi... So, punta ko... sumilip ako, nakita ko si Jenny... Nakita nya ko pero DEDMA.... Sabi ko, Aba! Hindi ako pinansin... Hmmmm.... Pumasok ako, sabi ko "Hello Everybody".... saka lang niya ko napansin... HALA! Si Cori pala to... di ko nakilala! Salbahe ka Jenny ah, compliment ba yun??? Hahahaha!

Ate Rachel: Kamukha mo na si Garet! (Oh, 'Te, wag kang matuwa! Hehe!)
Ate Babes: Wag ka mag-da-diet... ay, hmmm, konti lang! Hehe

Ok ok fine......

Ang ending..... naglakad kami ni mommy... syempre hindi sa pag-iinarte... yung nilalakad namin, malayo talaga.... di na ko sanay....sumakit talaga paa ko... at anong sabi ng nanay ko habang naglalakad kami??? "Ang daldal mo...!" hahaha, alam na ni Ate yun kung bakit sinabi ni mommy, kasi habang naglalakad kami, hanggang sa sumakay ng jip, ng tricycle, eh kwento lang ako ng kwento.... hahaha! Hindi lang paa sumakit sa kin, pati panga ko pala.... 'yun lang!

The end.

3 Comment:

Feelingerong Oppa said...

well, madaldal ka nga.. haha

GARET said...

oo nga, walang duda na madaldal ka. e imagine mo kaya biyahe sa pque. mula lakad palabas ng jestra, sakay tricycle, lakas papuntang pila, hintay sa service, sakay sa service, andar ng service, baba sa swrvice at maglakad papunta office, dumadaldal ka e... bawahaha!

kamukha kita -- gumaganda ka... :)

Cori said...

hindi naman ako madaldal.. makwento lang... hehehe

te: thank you sa compliment, pero kahit wag mo ng sabihin alam ko na yun.. hahaha