I'm always late...(alam ko madaming sasang-ayon sa akin)... kahit saan. Hindi ko alam bakit ako ganito... Minsan kahit sobrang aga ko na magsimulang mag-ayos, ako pa din ang nahuhuli. Mabilis naman ako maligo. May gamot ba dito? Minsan naiinis na ko kasi hindi ko naman talaga kagustuhan na late ako.. pero kahit anong inis ko, ganun pa din ako! Haaay...
Share ko lang, na-late ako one time (a million times) sa work... 9:20am na ko dumating (na dapat ay 8am).. nagugutom na ko.. pero syempre, medyo nahiya naman ako kumain agad. Hehe. Maya maya, bumukas yung pinto ng pantry.. Si Jayson, dala dala 'yung food ko... Sabi niya, "Mam, food niyo po. Kain na kayo." Ako naman, medyo nagtaka.. Si Jayson?? Dinalhan ako ng food??? May kabalbalan na namang ginawa to..Malayo ako, sinilip ko.. Ok naman, rice saka ulam... Sabi niya, "Sige Mam, mag deliver pa po ako." Sabi ko naman, "SALAMAT!"
Nung pakain na ko, napansin ko yung plate may mga ketchup at puro numbers... Hala, ginawang parang ORASAN... at hulaan niyo, 9:20 AM 'yung oras... Mga hayup na 'yun... Di ko napigilan na matawa mag-isa... Sabi na nga ba eh.... Sira-ulo talaga! Hehehe!
Pinicturan ko, naaliw ako e! (Hindi nga lang gaano makita...)
Mga katrabaho ko PRANING!

0 Comment:
Post a Comment