College Days - Midterm Week
Gabi bago ang midterm ko sa Chemistry, sobrang pag-rereview ang ginawa ko... alam kong i'm not into Chemistry, kaya sobra na lang 'yung ginawang aral ko.... Ok, review review.. hindi ko namalayan na napapikit pala ko... pagkagising ko 7:00am na... Naku patay! Take note, ang exam ko 7:30am... Nakupo, eh isa't kalahating oras ang biyahe ko papasok sa skul:
Ganito nangyari:
Nge: (Ginigising ako) Cori, may pasok ka diba?
Oyie: (Naalimpungatan! Biglang tayo!) HAAAAAAAA?????!!!!! Anong oras na???! (Napatingin ako sa relo, Patay Alas-siyete na!)
Nge: (Natulala! Nagulat!)
Dali-dali akong tumayo... walang ligo-ligo! Bihis na agad! Di ko alam kung may "bed marks" pa 'yung mukha ko... Pucha, malelate na ko... PATAAAAY!!!! So ok, biyahe na.... - di ko alam bakit ako tinitignan ng mga tao... Tumingin ako sa salamin, ok naman - di naman halatang di ako naligo... So dedma na lang sa kanila - - - Pagtingin ko sa paa ko..... Ang suot suot ko ay 'yung pambahay na tsinelas.... shet!!! Di ako nakapag-palit..... waaaaahhhh!!! Sobrang nakakahiya!!! Ang ginawa ko, bumili ako tsinelas na mejo maayos-ayos (Susme, hindi naman kalakihan ang baon ko, wala na kong pangkain, pero kesa naman pumasok ako sa skul na ganun suot ko!!!) At ang ginawa ko sa pambahay na tsinelas??? Tinapon ko. HAHAHA!
Naka-abot naman ako sa exam.. kahit nag-start na sila... Malay ba nilang di ako naligo nun! Hahaha!
Isa pa....
Pahirapan sumakay ng MRT... Sobrang punuan.. Buti na lang sa Taft ako nasakay.. every station madaming sumasakay.... Boni lang

Oyie: ANO BA YAN???? PABABAIN NIYO MUNA BAGO KAYO SUMAKAY!!!! ANO BA YAN???? (Pasigaw na sabi ko!)
Pasaways: (DEDMA! Pasok pa din...)
Nang nasa pintuan na ko, naapakan ng lalaki yung tsinelas ko at NAHULOG sa riles ng MRT! Sabay sara ng pintuan.... parang slow motion ang nangyari.... ang mas nakakahiya pa dun, ang dami pang tao sa station na hindi nakasakay.... at puro lalaki pa.... Oh my!!!
Sabi ko:
Oyie: "HALA! Manong, nalaglag po yung tsinelas ko... Pwede pong pakikuha?"
Nagtatawanan 'yung mga lalaki.. (Nakupo, hiyang-hiya na ko). So inakala ko, bababa lang si Manong Guard at kukunin ang tsinelas at tapos na.. makaka-alis na ko!
Manong Guard: "Naku Mam, itatawag ko pa po muna sa taas!"
Oyie: Ganun?! (Umupo muna ko at tinago 'yung isang paa ko..)
(Sabi ko sa sarili ko, pagdating naman ng bagong train, makakasakay na yung mga nakakita, wala ng nakaka-alam na wala akong isang tsinelas...Dumating ang bagong train - PUNO PA DIN... Di pa din nakasakay yung mga Lalaki... SHET!!!)
Maya-maya.... Biglang may narinig ako.... "PWEDE NANG KUNIN ANG TSINELAS, PWEDE NANG KUNIN ANG TSINELAS!!!" Opo, ina-nounce po sa buong BONI STATION!!!! Shet! Syempre, nagkulay kamatis na yung mukha ko sa sobrang kahihiyan... Bumaba si Manong at kinuha ang tsinelas.... at ang ginawa pa ng lokong 'yun... ISINUOT sa paa ko.. parang Cinderella ba... NAGTAWANAN na naman yung mga lalaki....
Oyie: (Nagtatakip ng mukha) Thank you Manong... (Sabay lakad ng mabilis paalis ng Station....)
NAKO, hanggang ngayon nanliliit pa din ako kapag naaalala ko 'yung nangyari! Hahaha!

6 Comment:
nahiya ka pa, ikwento mo na lahat... hehehe. kaya lang baka maubos ang page ng blogger. bwahahaha
bwahahaha.. sayang wala ako dun, kundi isa ako sa nakikitawa.. hehe
hehehe... baka nga maubos ang page ng blogger!
Ahahaha! Natawa naman ako du'n sa nahulog `yung tsinelas mo sa Boni Station! Talagang in-announce pa ha! Hindi man lang: "Pwede ng kunin ang flip-flops!" (para medyo sosi naman - as in tsinelas pa talaga!)
O, Garet! `kaw naman. Post ka din ng mga kahihiyan mo. Nagawa ko na yan:
http://vayie-please.blogspot.com/2005/04/oh-my-gaad-you-did-what.html
nako ate vayie, talagang ganun ang pagkasabi TSINELASSSS!!!! paulit ulit pang sinabi... nakakahiya!!!
Vayie - nag-iipon pa ko... ng lakas ng loob para i post ang mga kahihiyan ko. hehehe :)
Post a Comment