Hindi ko alam bakit ako minsan umiiyak. Hindi ko alam paano tumigil pag umiyak na ko. Hindi ako iyakin. Minsan lang baka overwhelmed ako. O di kaya para gumaan loob ko. Pwede ko din isisi sa hormones siguro. Pero diba, nakaka-asar 'yung tatanungin ka "Bakit ka umiiyak?' tapos 'di mo alam isasagot mo. Kasi hindi mo alam bakit.
Masama ba umiyak? Hindi naman di'ba? Choice mo naman 'yun. Ikaw naman ang mamamaga ang mata. Ikaw naman ang sisipunin. Ikaw din naman ang 'di makakahinga. So, why bother?
Nalagay na ko sa sitwasyon na wala kang magawa kundi umiyak lang. Hindi ka makakilos kasi hindi mo alam anong gagawin mo. Mamamanhid ang buong katawan mo at hihikbi. Tapos, tutulo na lang uli luha mo.
Una, magugulat ka, matatameme, lilipad ang isip mo at mag-iisip ka na lang, "Bakit"?
Pagkatapos, ayan na ang luha mo. Ang walang-tigil na pagtulo ng luha mo. Hanggang sa wala ng nalabas. Matutulala ka na lang. Tapos, makakatulog ka na. Siguro, kung nakakapag-salita lang ang mga unan ko sa kwarto, sasabihin sa akin "Tama na, hayaan mo na... Kaya mo 'yan!"
Sa lahat ng nagpa-iyak sa akin, tagumpay kayo. Ikaw ma'y tao, hindi tao, mabait, salbahe, pelikula, teleserye, sakit na nararamdaman, o kung ano man yan. Natalo n'yo na si Berting Labra. Keep it up! :)
Pero walang masama sa pag-iyak. Wag n'yo na lang ako tanungin kung bakit ako naiyak. Kasi, hindi ko 'din alam ang sagot d'yan.
Isn't it ironic?
-
....Last February 13, 2016, just a month before my mother passed away, I
wrote this letter/spoken poetry. Uso kasi that time si Juan Miguel Severo
sa OTWO...
8 years ago