♥ 1,803 Days Together ♥

on Tuesday, June 25, 2013
Yes. Swerte ako sa asawa ko.
Yes. Tama ngang kung may umalis, may dadating.
Yes.  Tamang humanap ka ng taong alam mong kaya kang mahalin kahit ano ka pa.

and YES, we are on our 1,803 days being together as a couple.

Masaya lang ako.  ♥


Lakad... Lakad... Lakad!

Ang sarap lang kung minsan talaga ang mag-reminisce.  Lalo na kung 'yun yung isa sa mga magpapangiti sayo. Naalala ko lang habang pauwi ako kanina 'yung ilan sa mga naging experience ko nung bago palang akong nagtatrabaho.

Pinalad naman akong makapagtrabaho agad.  Sa una kong work, na-expose ako sa pagtatrabaho sa opisina. Naging malaking tulong 'yung nagsimula ako sa isang maliit na kumpanya dahil natutunan ko isa-isa yung mga proseso at kung paano makiharap at makipag-usap sa tao.  

Dahil nga maliit na kumpanya pa lang ito, directly reporting ako sa may-ari.  Hindi pa malinaw kung ano ang Job Description ko... basta ang alam ko Training Coordinator ako at Secretary to the COO (Chief Operations Officer) and CTO (Chief Training Officer).

Basta ang ginagawa ko, kung anong ipagawa, gagawin ko.  May time pa ngang inutusan ako ng boss ko na dalin ang Barong nya sa meeting nya. :)  Siguro kung iba yun, magagalit sila kasi inutusan sila ng ganun.  Hindi naman kami marami sa opisina para mag inarte pa ko at iasa ko sa messenger ang pagdadala nun.  Walang atubiling dinala ko yun.  Nilakad ko ang Ayala, bumaba ng underpass, umakyat... at lakad lakad lakad hangga't marating ko ang SGV. :)  Masaya kong ginawa yun. :)

May time pa ding pinaghanap ako ng "red boots"... para sa costume daw ni Darna.  Aba, nilibot ko ang Glorietta, SM Makati at Landmark... may mga nakita ako.  Ayun nga lang, di nya gusto.  That time, pahirap pang magpadala ng MMS.  Dahil GPRS pa ang connection noon at ang cellphone ko ay yung mga sinaunang colored nokia phones na swertihan na lang kung ma-send mo at ma-receive ng pinagsendan mo.  Masaya pa din ako that time kasi nasa mall lang ako maghapon.  Lakad lakad uli. :)

May isang time pa nga, sa dati ko ding trabaho... madaling araw na natapos yung event.  Naka-check-in naman kami sa isang 5-star hotel.  Dahil baguhan ako nung panahong yun, ako ang balagoong.  Habang ang mga kasama ko ay nakaligo na, nakapantulog at nanonood na ng tv... ako, kasama ang driver, nakapila sa McDo, bumibili ng pagkain para sa mga taong nag-seset-up dun sa venue.  Ang lagkit-lagkit na ng katawan ko at pagod na pagod na ko.. pero wala ni isa sa kanilang nag-offer na samahan ako.  Lakad lakad ang peg ko uli.

Naniniwala akong ang trabaho, kapag ginusto mo... magiging masaya ka. Kahit ano pa yan.  Kahit mahirap pa yan.  Nasa pagdadala mo yan.  Nasa pakikisama.  Nasa pagiging sensitive sa mararamdaman ng ibang tao.  Siguro ibang usapan na lang kung ang sweldo mo ay sa palagay mong di sapat at merong mas ibang magandang opportunities.... why not?  

Basta ako.... nagpapasalamat pa din ako. Sa lahat ng naging opportunities at pagtitiwala ng mga naging boss ko.  At sa lahat ng naranasan at dadanasin pa, Go lang ng go!  Bihira lang dumating ang mga yan. :)