Bakit pa kailangan kasing mag-trabaho? -- 'Yan ang palaging tumatakbo sa isip ko lalo na kapag na-stress ako. Kapag naiinis ako. Kapag paminsan gusto ko na lang magpahinga sa bahay, humiga, manood ng tv, mag movie marathon, mag-shopping, mag-travel o kaya kumain sa lahat ng restaurant na gusto ko.
Minsan naiisip ko bakit 'yung iba, hindi na kailangan magtrabaho...Ayan na ang pera, inaabot na lang sa kanila. Ang tanging problema na lang sa araw-araw, eh kung paano nila matatapos ang isang buong araw ng hindi sila nababato.
Pero bago matapos ang araw... nawawala lahat ng tanong ko na'yan. Kasi alam ko, na maswerte pa din ako. Masarap na pag-uwe ng asawa mo may makukwento ka sa kanya. 'Yung ginawa mo ng isang buong araw. Na minsan kahit bad trip ka, may kasama ka na tanggalin ang pagka-bad trip mo. 'Yung taong minsan mas affected pa sayo.
Wag ninyo masamain ang post na ito... tao lang naman ako. Nagtatanong. Napapagod din.
