Eto na naman ang:
....kaba kapag nag jumpball na ang bola.
....excitement kapag Sunday, Wednesday at Friday.
....kilig kapag nakikita kong hawak ng paborito kong player ang bola.
....lalo na kapag naka-shoot sya.
....tamlay kapag natalo ang paborito kong koponan.
....saya kapag nanalo ang paborito kong koponan,
....inis kapag nakikita ang ayaw na manlalaro.
....pagkabanas sa referee kapag may maling foul na tinawag.
....minu-minutong pagbisita sa pba website
....pag-cocomment sa forums
....pagpopost ng status sa twitter at fb tungkol sa basketball
....mga pamahiing, bawal gumalaw kapag swerte ang posisyon, hindi sisigaw manalo lang.
....pinapanood ang interview ng best player of the game kapag panalo ang gustong koponan.
....nililipat na ang tv kapag panalo ang kalaban.
....fina-follow sa twitter at alam ang lovelife ng basketball players.
at higit sa lahat..............................
....kasama sa dasal ang paghiling na manalo ang gustong koponan!
Tama?
