
Itong blog ko na ito ay inaalay ko sa pinakapaborito kong TITO sa buong mundo... si Tatay Obet! :)
Magsimula bata pa lang kami, naging malapit na kami sa kanya. Kapag pag uusapan ang kabataan naming mga "Batang Tule (Tolentino), hindi siya mawawala sa kwento.
Nung bata pa kami, palagi kaming sinasama ni Tatay Obet kapag magdedeliver na sya ng baboy, longganisa at tocino sa mga cliente nya. Pinaka-paborito namin ang "Airlink", dahil pagkatapos nya mag-deliver, dederecho na kami sa "DAGAT" (Manila Bay)...
Naalala ko pa nung isang beses na pumunta kami ng Manila Bay, nagkayayaang maligo sa dagat, wala kaming baon na damit, pero lumusong pa din kami. Kaya nung pauwe na kami, lahat kami ay tuwang-tuwa at ngatog na ngatog na nakasakay sa Owner Jeep ni Tatay Obet. Isa yun sa mga di ko malilimutan na parte ng kabataan ko.
Kung san-san din kami nakapunta sakay ng Owner jeep. Kapag sinabi mong "Tatay Obet, sama ko!" Ni minsan hindi siya tumanggi sa amin. Kahit na alam namin na sobrang makukulit kami ng mga panahong yun.
Isa sa mga hinahangaan ko sa kanya ay ang walang atubiling pagtulong. Kahit ano pang ginagawa niya basta sinabi mong, "Tatay Obet, marunong ka nito? Tatay Obet, patulong naman dun sa ano"... at kung ano-ano pa... Isa lang ang isasagot niya.... Walang alinlangang "OO!"
Hindi ko malilimutan yung mga panahong hirap na hirap kami. Wala kaming maulam, pagkatapos bibigyan nya kami ng longgannisa o tocino. Solve na problem namin. Ang sabi ko, paglaki ko, ako naman ang tutulong sa kanya.
Kaya ngayon, kaming magkakapatid, kasama ang aking asawa ay mahal na mahal namin siya. Anything basta para sa kanya. Dahil alam ko na kahit kailan ganyan din ang gagawin niya sa amin. Kahit madami sa kanyang kumokontra, di bale, madami naman siyang "Abogado"... andito kami para ipagtanggol siya.
Tama?! :)