We will surely miss you Matt (late post)

on Friday, May 8, 2009
Di ako ganun ka-happy sa season 8 ng American Idol ngayon.. Fanatic ako ng AI pero wala ako ganun ka favorite gaya kay Chris Richardson at Archey... Eto na nga lang ang gusto ko, natanggal pa.. hehehe. I will miss you Matt Giraud. :(



Mission Accomplished

Nagpunta kami ng Robinsons Galleria para ipagawa ang cel ni Chubs sa Wellcom, at dahil within warranty pa siya, wala kaming binayadan. Ang kawawang bata, inosente sa Galleria, first time niya daw, hahaha! At 3rd time makasakay ng MRT, isang beses pa lang sa Mega Mall at hindi pa sa Edsa Shangri-la... Woo, grabe talaga.. nag-eexist ka ba talaga? Hehehe! Yaan mo, iisa-isahin naten yan.. pati sa Trinoma dadalhin kta pati sa Sta.Lucia.. hehe. :)

Anyway, pagkakuha ng certification sa GLOBE para sa repair, pumunta na kami Wellcom. Balak pa yata kaming pabalikin para sa gawang unit (actually ganun nga ang expected ko).. Tinanong kami kung taga-saan kami, ang sabi ni Chubs:

Chubs: Sa Cavite.
Technician: Wat, ang layo niyo, dinayo niyo pa talaga 'to.
Chubs: Oo nga e.
Technician: San kayo nasakay... (chika chika)

Hanggang sa nakikita na namin na inuna na kaming gawin... woohoo.. Wala pa yatang 10 minutes, tapos na. Kung hindi daw warranty, P1500 ang babayaran namin... buti na lang.

Chubs: Wow, nasasara ko na uli yung slide up.
Oyie: Ay maganda pala ang cell mo? hahaha
Technician: Ok na sir, pwede pa sirain hanggang July.
Oyie & Chubs: Hahahaha

Libot muna sa Galle, at kumain sa Chaikofi. First ko makakain dito with Tita Vangie, masarap mga pasta nila. :P


"Wag niyo nga lang i-try 'yung Lemonade nila.. lasang Greenex All-purpose Cleaner!"
hahaha!

Uwian na.... :)

Oh, I miss blogging....

on Sunday, May 3, 2009
Welcome back my Samsung u700... i miss you too... :)
Matagal-tagal din kitang hindi nakita... hehehe :)


Eto ang pinagkaka-abalahan ko ngayon.. hehehe.. 'yun nga lang hindi ako maka-relate sa ibang games... pambata lang ang mga gusto ko... Lalo na 'yung Kingdom Hearts, naaaliw ako. (Sensya na, ngayon lang nagka-ps2. hehehe, hindi pala sa akin to, hiram lang... hehehe)


Serious ako eh :)
Adik na, simula umaga naglalaro.. hahaha.


Si Sachie kakabakuna lang ule yesterday... According to Dok Cabrido (na bagong gupit, woot woot), nag-iba na ang program ngayon sa mga dogs, twice na ang vaccination ng anti-rabies (ayos, dagdag gastos), kasi daw tumaas daw ang rate ng rabies cases ngayon,,,, so pagbalik namin, vaccine ng 5 in 1 and first anti-rabies shot then, after two weeks ule second shot ng anti-rabies. So kapag wala na ko makain, napunta na lahat sa mga aso ko. hehehe.

Si Sachie na makulet at aking Alarm Clock.

Si Kekek na kalbo... as usual nagbuhol buhol na ule ang kanyang buhok kaya no choice kundi ipakalbo.. Ok lang yan, tutubo naman ulet. At nakakatuwa si Kekek lalong bumabait. :) Tumataba pa.. hindi rin niya pinapatulan si Sachie kapag ayaw siyang tigilan.. hehehe.

Binentahan kami ni Dr. Cabrido ng vitamins, P250, pagkabili namin, saka sinabing pwede pala ang tiki-tiki.. hahaha... pagtingin namin sa Grocery ng Tiki-Tiki, wala pang P100.. Ayos! :)

Ganito ang eksena sa bahay namin always (as of the moment)... dahil po ang makulet, ayaw tigilan si Kekek.. tuloy, takbuhan ng takbuhan... kaya ganyan!

Sarap mag swimming....
Mahirap mag-igib...
hehehe


BEFORE
and

AFTER
hehehehe

Hango sa blog ng Ate ko, ganda ganda ng inaanak ko dito... :)

Wala lang.....
Na-miss ko lang mag-blog!!!
:)