Cutie Sachie ang name ng bago naming puppy.... na sobrang KULIT!!! As in.... can't help but compare.... "Si kekek nung baby hindi ganyan." Si Kekek kapag nilagay mo sa kama hindi natalon, si Kekek takot sa kahol ng aso, si Kekek hindi nilulublob ang mukha sa inuman..." Hehehe, kung naiintindihan lang siguro ko ni Sachie sinapak na ko nun... Pero sobrang nakakatuwa naman talaga, saka ang lambing... dun naman sila pareho ni Kekek... (Uy, sabay kabig)
Nung una worried ako kasi nagseselos si Kekek, ayaw kumain. Hindi kasi sanay ng wala sa kanya ang atensyon. Ang babaw ko ba? Pero talagang di ako mapakali. (Napabili tuloy ako ng Alpo na nasa can, kasi yun lang kinakain niya... --naman Kekek, ang mahal nun tapos isang kainan mo lang... huhu)
Well, habang ang lahat ay natutuwa sa pagdating ni Sachie, may isang taong "COMBATRIN" ---Kontra bulate! Hulaan niyo.... Siya ang nag-aastang may-ari ng COMPOUND!!! Sabi nga ni Tj, "Nag-uumpisa na kong mainis jan." Haha, na-oobserbahan na kasi ni Chubs kung ano takbo ng ugali... --sobrang dali naman hulaan di ba 'te?
Nung una si Daddy nagagalit: "Panibagong aso na naman yan?"---Pero kanina sabi, "Pakarga nga dadalhin ko sa Tramo.."
Si Mommy: "Hello Kulet! Buti na lang close na kami ni Kekek ng dumating yan.. hahaha."
Oyie: "Parang kelan lang si Kekek ganito pa lang kalaki... :P"
Kekek
(3 months)
(3 months)

Sachie
(2 months)
(2 months)

:)
