Ang Boxing nga naman...

on Sunday, November 30, 2008

Binilhan ng ticket ni Chubs si Dadi para sa Dela Hoya VS. Pacquiao match sa Cuneta Astrodome, 'yun nga lang si Dadi, natatakot manood... So ang ticket, sayang! Pero sabi naman niya, dito daw muna sa kin ang ticket, papakiramdaman niya daw muna ang sarili niya... hehehe! Takot manood ng live via satellite - wala daw kasi commercial na matagal, para nakakapag-pahinga siya. Aysus! So malamang, kung ayaw niya, kay tatay obet mapupunta.. :)

Anyway..... Christmas na talaga.... :)


Start na countdown bukas... Dec 1 na tomorrow! Yey!!!

Didian's so IN...

Look at Didian's new hairstyle.. Ang lupet noh? Hehehe!

FYI - Syempre madaming "oldies" na naman ang nag-react dito... Sori pero mas nasunod ang kabataan.. Haha, nakakatawa si Didian!

I've been tagged!

on Sunday, November 23, 2008


The rules:

- Each blogger must post these rules.
- Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
- Bloggers that are tagged need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names.
- Don’t forget to leave them a comment telling them they've been tagged and also to read your blog.

Ten Facts about ME:

1) Im super-hooked sa "I love Betty La Fea"... Hindi ko alam bakit ako nagkaganito... knowing na hate na hate ko si Bea Alonzo.
2) GUstong-gusto kong amuyin ang Banana Extract na ginagamit sa paggawa ng Sago Gulaman. (FYI, meron pa kasi natira sa ref nun, kaya everytime na bubuksan ko ang ref.. inaamoy ko siya..-weird?)
3) Mas una ko nang chini-check ang blogger kesa sa friendster.
4) Malapit na ako magkaron ng PSP. Konting-tiis na lang at negotiation... woohoo!
5) Hindi ako gaano nanghinayang ng matalo sina Geoff at Tisha sa Amazing Race Asia 3 kesa kina Mark and Rovilson na talagang mangiyak-ngiyak ako...
6) Proud akong sabihin na kinaya ko ang 6am to 3pm na sked.. at hanggang ngayon wala pa ko late ha.. ehem ehem.
7) Hinahanap na ng katawan ko ang Spa... December 7 na ba??? Tagal naman.
8) Nag-iipon na ko ng friends sa Facebook. 'Yun na daw ang IN ngayon eh...
9) Ayaw na ayaw ko si Spongebob.. nakaka-irita yung pagmumukha niya.
10) Excited na mag-EK with Nge and Chubs.... woohoo!!!

Nag-post na ko ng madaming facts about sa akin dito saka dito.... :) Lampas-lampas ng sampu.. hahaha! :)


Ba-booshhhh!

Late Posting! :)

on Thursday, November 20, 2008
Happy Monthsary Chubs!
Loving you.. :)

"Eto na lang muna ang gift..." hehe


-------------------
ANG DAMING FOOD!!!! WOOHOO!!!!!






---our own version of Iron Chef Molino
The Rules: Must produce 2 main course using fish fillet as the main ingredient.
No time limit.

-------------------
Double-Layered Chocolate Brownies with Chocolate filling
by: Karen
(Masaraaaaaaapp, di tumagal dito sa bahay!)

-------------------
Ang Rainmaker!

Pinaniniwalaang effective ang rainmaker na ito from Palawan.. Sabi kapag inalog daw, uulan. Tunog rain drops kasi sya. At imperness, walang biro, effective! Hahaha.. One time, nalaglag ni Didian 'yung rainmaker, kinabukasan bumagyo... hehehe :P
"Thank you rainmaker for the rain..."

Ayaw ko pa mag-blog nyan :)

on Sunday, November 9, 2008
Post #1
Yesterday, para maiba naman, ako ang nagpunta sa bahay nila Chubs.. dahil nga sa nire-renovate ang bahay nila, nagsilbing "foreman' muna sya, isang buwan daw 'yun.. oh my, so malamang, mapapadalas ang punta ko sa Molino... hehehe...

Ang ginawa namin sa kanila.... kumain at magluto... walang katapusan... :) hindi naman po sa nagrereklamo ako, kung tutuusin pabor nga sa akin yun.. hehehe!

Sayang nga lang, di kami nakapag-picture.. ewan ko bakit ko nalimutan.. ako pa nakalimot? hmmm... marahil naaliw ako maglaro ng PSP... Naglaro ako ng Boxing, binugbog ko (Erik Morales) si Pacquiao, ehem... :) Mukhang nakikita ko na din ang kalalabasan ng laban ni Pacquaio at Dela hoya.. :P Malamang si Daddy maaadik kapag nakita nya yun..

Anyway, ang menu kahapon: Beef Steak, Baked Macaroni, Breaded Chicken Breast in Tartare Sauce with Buttered Vegies... isama mo pa 'yung brownies ni Karen.. Ang sarap, nakakahiya lang na ubusin ko e... pero kaya ko 'yun! hahaha! At meron pa palang Ginataang Mais.. :)

Bago umuwi.... May take home pa kong Cassava Cake.. Nagkagulo na naman ang Pamilya De Leon.. Hehehe!

"Di ko pa natitikman..."

One happy saturday na naman.... :)

-------------------
Post #2
Share ko lang etong Spoon and Fork ko na pinabili ko kay Melissa.. Ang cute. Katabing exhibitor daw nila sa World Trade Center... -exhibits na naman, parang kelan lang nung pumunta kaming kuyogs sa World Trade Center, para mamili... one year na yun? Talaga nga naman oh.. and this year, malamang present ule ako.. :P

-------------------
Post #3
Bagong renovate na din ang Clinic ng dentist naming si Dra. Gladys Domingo... Sosi... :)


Sayang wala 'yung bunso ni Dok, kung nandun 'yun sisigaw na naman 'yun ng,
"kuyaaaaaaa, kuyaaaaaaa!"
HAHAHA!

-------------------
Post #4
Kelangan na ng Haircut ni Kekek! :)


Mas mahaba na buhok niya sa kin... :)

-------------------
Post #5
Lapit na Christmas!!! Kaka-excite!

Old and New

on Saturday, November 1, 2008
This year, I had a.....

1) New haircut
From a very long hair, i decided to have my hair cut to this short. And I love it! Medyo matatagalan sigurong ganito muna ang buhok ko... uso pa naman e!










2) New cellphone
Ehem, opo, ganda ng phone ko! I love my Samsung U700... Yey!









3) New number/New network
Yep, I'm one of them... Globe na ko... Matagal-tagal din akong naging loyal sa Smart, and this year, totoo na 'to! Globe na ko! I love Unlitxt!







4) New bed
This year din napalitan ang aking kama. Salamat sa sponsor. Hehehe, ang luma kong kama... dinonate ko sa mga mahihirap... hahaha!

5) New Email Address
Opkors, bago din ang email add ko... goodbye mushy_china... hehehe! I have my Gmail account na din.




6) New Watch
Dami ko bagong watch this year, Yey!







7) New Blog Lay-out

Wala lang, nakaka-aliw naman palang magpalit-palit ng blogger lay-out! hehe.. Thanks to -




8) New Jeans
Actually, di naman talaga siya new, nagkasya lang sa kin 'yung ibang pantalon na naitabi ko from package pa dati.. Buti na lang nagtabi pala ko nun at hindi pina-repair...

9) New Flip-flops
Marami-rami din ako nabili this year...









At ang pinaka-magandang bago na nangyari sa buhay ko ay......


10) si CHUBS
Awww, ang tamis ko naman... hehehe!












(Camera shy nga lang..hehe)

So far.... so good!

Spot the Difference :)

Christmas 2007

Christmas 2008

Crap... what a big difference! Tabachoy!
Hehehe!