Please help me....

on Sunday, September 28, 2008
Nokia 7310 Supernova Pink or Samsung U700?
Naguguluhan na ko!!!!

You may want to visit this site. Click here.






HELP!!!

Cori + TJ = Luto at Kain

on Saturday, September 27, 2008
Curry Rice ala Chubs

Naku, paano ba ko papayat neto.. eh wala kaming ginawa kundi magluto at kumain.. Tsk, hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ko talaga kaya magbawas ng kain. Anyway, kanina, imbis na kumain sa labas, nag-suggest siya na magluto na lang kami. Ok na suggestion, so uwe na lang kami..

Nakatikim na ko nito nung first date namin, hehe!

... masarap talaga siya.

(Kung mahilig kayo sa Chicken Curry, magugustuhan niyo sya.)

Ooops... Picture ule bago umuwe...


Uyyy, singit ang isang bata....

Gutom na naman ako!!!! :)

Bakit walang kuryente?

on Sunday, September 21, 2008
Kanina, pinalitan na 'yung poste ng Meralco dun sa labas ng gate.. ang galing kasi eto lang compound ang walang ilaw.. nalaman ko na 'yung transformer ng kuryente palang nililipat nila ay sa Simpao Compound lang... in short, kami lang ang walang kuryente... ang dating kahoy, ngayon bato na.. wooo, imperness no! Wala lang, tutal walang kuryente, picture na lang ule...

May mai-blog lang... hahaha!

Ayun lang... may kuryente na kami... Woohoo!

Concert...Kain...Concert

Yesterday, I went to Chubs' house... Nagkita kami ni Ate Heidi (Chubs' Sister) sa Mcdo Baclaran, sabay na daw kami pumunta sa bahay nila.. half-day lang naman daw kasi siya kapag saturday. Imperness ah.. hehe! Anyway, ayun, kwento kwento hanggang makarating na ng Molino... :)

Nagluto si Chubs, impernesss ule, masarap! Sa kagutuman ko nalimutan kong picturan, asarr naman! Ayun, may "ubong" naman ako sa kanya, from TOLENTINO - Ella's Bakeshop! Ang walang kamatayang "ube ensaymada".... hehehe!

Ano pa nga bang ginawa namin.. ah syempre! MAG-VIDEOKE!!!! Pareho kaming mahilig sa Videoke.. carry na kahit nagloloko ang mic! haha!

Pinagpaalam ko muna sa kanya kung ok lang na i-post ko dito sa blog ko yung mga Videos... kahihiyan daw yun... ang ending, pumayag din, wala ng magawa!

Kapit na..



Pag sinabing sway - sway naman siya.. Pag sinabing kaway - kakaway! Masunuring bata!



Tawa naman ng tawa yung nagvivideo eh.. hehehe!

Hindi pa natapos dun, nagkainan ule with his family (naks, ule)... nagluto kami ng walang kamatayang Pomodoro, sabi nga 2 heads are better than one... it turned out good.

Kelan ba ko mabubusog???

After kumain, VIDEOKE ule.. ang kapal ng mukha ko, kanta kung kanta... ako pa? Yun nga lang partners daw eh, ang kulet nung videoke nila may Grade (nakalagay talaga habang nakanta ka, awful, cool, fine, good).. Gosh, wala yata kong nakitang Cool saka good... puro awful... Well, talo kami.

Ang ending nung story, nahilo ko sa biyahe pauwe.. kasi po yung van na nasakyan ko, ang upuan na pwesto ko ay patalikod.. Nakupo, hilong-hilo ako..

Ayun lang..... Yesterday's GOOD ule... :)

ODM Watch - Pixel

on Saturday, September 20, 2008
Natupad na pangarap kong magkaroon ng ODM Watch.
Yey!



ODM Pixel
Code : DD101-3
Band : White Polycarbonate Expansion Strap
Case : Plastic
Dial : Jumbo Electroluminescent pSEL™ display
Movement : Quartz
Size : Unisex
Water Resistant : 30m
Price: USD 129.40


Eto mas mabilis, 2 months na 'yun?

How to describe my yesterday??? Simple, yet so sweet! :)
Kunwari, gift ko... pero siya bayad! Binalot ko lang! hehehe

Greatest gift ever given: "his thoughtfulness"....

Love you Chubs, Happy 2 months!

Babang-Luksa (One year na 'yun?)

Last Wednesday, September 17, 2008, ang death anniversary ni Acoy... Grabe, ambilis talaga ng panahon... Isang taon na ang nakalipas...

Last year pictures, Rizal Funeraria
Opo, picture pa din, kahit sa funeraria!
After one year....

Nagpa-misa lang sa Sta. Clara and kaunting kainan sa compound. Thanks to Uncle Larry dahil siya po ang nag-initiate na magluto para nga kay Acoy.. (Yup, si Uncle Larry po!) Ang nakakapagtaka lang, my isang bahay na parang walang pakialam... hmmm! No ambag, no asikaso, dedma! Bakit kaya? Ok, so sana man lang nagsimba na lang sila diba? Pero, hindi! Absent din.. nakanang teteng oh oh! Di ako mag name ng names, mahirap na! Anway, sarap nung nilutong pansit ni Uncle Larry (parang may nakita pa kong black shitake mushrooms, sosi), tapos may puto at sapin-sapin, at lumpiang shanghai ni Ate Tina. Yummy!

Ganito po ang scene ng mga taong GUTOM na!!!



hehehe!



Bagong watch... Ehem!

on Wednesday, September 17, 2008

Yey! Ganda ng watch ko... :P

(Levi's LTD0203 pink digital theme watch)

Kupas na Larawan

Akalain mong itinago pa itong picture na 'to... hahaha!
Yesssss, old school... :P

O sige.. tawa na!

Another One for our Taste Buds!

on Sunday, September 14, 2008
Spaghetti Pasta in Tomato Chunks with Basil and Laurel Leaves
---Oyie


Fussili Pasta in Tomato Chunks, Mushroom and Shrimp with Basil and Chili Flakes
---Chubs

YUMMY!!!

Habang tumatawid sa Edsa!

Share ko lang, kahapon habang tumatawid kami ni Chubs sa Edsa.... nagulat kami ng may tumawag sa kanya... "TEE JAYYYYYYYYYY!!!!!!" Syempre nagulat kami... Pagtingin namin si Lloyd (Caliwan) pala 'yun.. Nakilala pa siya??? Haha. Tapos nung ako nakita niya, dun siya nagulat... Kung nakita niyo lang kung ano yung reaction niya.. ang sabi niya "Si Cori???".... hahaha!

Susme, nakilala pa si Chubs? Eh its been what, 12 years? Haha, Chubs, di talaga nagbago itsura mo! Totoy ka pa din... hahaha!


-------------------

Oops.. kala mo ligtas ka na ha.. Picture muna bago umuwe! :)


Bye Lyka! :(

April 25, 2008 - September 13, 2008


We will surely miss you Lyka! I feel bad for Mico & Maitha... :(

Don't Judge the Book by its Cover!

Sa mga loyal readers ng blog ko (haha, feeling madami), palagi na lang si KEKEK ang binabanggit ko... i want to feature other dogs too... Gaya ni PANGET! Panget is a female native dog. Hindi ko alam kung ilang taon na siya eh, pero i've seen her. Sobrang taba niya... as in, di mo aakalaing aso. Haha!By the way, si Panget ay doggie nila Chubs. I've heard stories about her, on how smart this dog is. Sobrang seƱorita niya. Kung si Kekek, hindi umaalis sa electric fan, si Panget, di lumalabas sa aircon na kwarto. Opo, naka-aircon pa siya. Sa isang kwarto kasi natutulog ang mama ni Chubs at ang kanyang mga kapatid, kasama dun si Panget, katabi sa kama. (Hindi naman iba sa akin yung ganun, dahil si Kekek ay minsan katabi ko din matulog).

Isang kwento: (from Chubs' Mom)

Si Panget, asar kay Chubs yun lagi. Everytime daw na papasok si Chubs sa kwarto ng mga Mama niya, nagagalit daw si Panget. Maingay, nanggagalaiti. Ang usual na gagawin dahil maingay ang aso, papalabasin diba? Sa kanila iba... sasabihin pa ng Mama niya.. "TJ, lumabas ka na kasi, nagagalit si Panget!" Ang kulet lang, si Chubs pa ang pinalabas. Sunod naman yung isa. Hahaha!

Kapag daw tinatanong 'yung mama niya kung ilan ang anak niya, instead of APAT ang sasabihin nya, ang sinasabi daw ANIM (kasama yung dalawang aso)...

Talagang ganun yata talaga... Once a dog-lover always a dog-lover. Iiyakan mo, mag-woworry ka din kapag di kumakain, kapag may sakit, kapag matamlay... Hay buhay...

Eto pala si Panget, (nag-request ako ng picture, hehe)


Para siyang baboy sa katabaan!

Baka naman magtampo 'yung isang aso nila.. kaya may picture din.

Siya po si Buffy. Bow! (Makiki-chismis pa ko about sa kanya, hehe)

'Yun lang... :)

Perfumes at Colognes!

on Thursday, September 11, 2008
Eto ilan sa mga naging perfumes and colognes ko... Ang iba pamana, ang iba inarbor, at yung iba sponsors... wala po ako binili kahit isa.. dahil mahal! Hehehe... Lahat sila mabango.. kaya nga pabango eh.. Ngekkk!

Tommy Girl
by Tommy Hilfiger


(Eto ang pinaka-favorite ko sa lahat! Sobrang bango!)

Pleasures
by Estee Lauder


(Twice ko siya naging perfume, 'yung una galing kay Acoy, 'yung pangalawa sa sponsor.. hehe)


Hot
by United Colors of Benetton
(Kakaubos lang... Thanks Mommy, kahit ayaw mo ibigay sa kin, naubos ko na. Hehe!)

Colors
by United Colors of Benetton
(Thanks, Ate!)

Contradiction
by Calvin Klein
(Thanks, Ate ule!)

Escape
by Calvin Klein
(Eto, High School days! Nalimutan ko na 'yung scent, pero mabango din!)

Eternity
by Calvin Klein

(Mabango din)


Obsession Night
by Calvin Klein

(Naku, thanks Mommy ule... naubos ko na!)

Happy
by Clinique
(Thanks Ate, kahit papano nakaranas ako ng Clinique Happy, hehe)

Be Delicious
by DKNY
(Ah eto, Anim na maliliit na tester, sobra tipid ko kasi sobrang bango!)


Eto mga COLOGNES!

Love Spell
by Victoria's Secret


Endless Love
by Victoria's Secret
(Pinaka-mabango sa lahat! Para sa kin)

Forbidden Fantasy
by Victoria's Secret
Pear Glace
by Victoria's Secret



Secret Crush
by Victoria's Secret

Pure Seduction
by Victoria's SecretDream Angels Divine
by Victoria's Secrety
(Kelan ko lang na-appreciate ang bango niya, nung medyo wala ng mahanap na perfume, hahaha!)


My latest addition!!!!

D & G Light Blue
by Dolce & Gabbana
(Haha, 1/4 na lang ang laman, Chicharon lang ang kapalit, kaya ko nagkaroon.. hehehe)