This one Dude!

on Monday, March 31, 2008
A while ago, as i was finding my college i.d, i stopped and read, my diary for a while... as i opened it, i saw the date.. July 8, 2006...

"07.08.06 - 10:11pm --- (Excerpts:) I just like to share something... when suddenly this one dude word vomit strikes again... We were on the fx when a lady passenger asked the driver... "Manong pwedeng bumaba?" You know what this one dude said? "Pwede, basta wag lang madadapa!"... We laughed so hard, that we even forgot that there are other people in the fx...." --- yah, i know, i'm mababaw! hehe!

.............this one dude, we always have a great time together, especially when we used to make fun of other people, not to mention all our "panlalait". Yah, i know... its not right, but the hell, it's fun! This one dude, is a jerk...... and i miss you kupal! :)

A must!

A must:
1) T.O.R......check!
2) Diploma......check!
3) Grad pic......soon!
4) Save money......i'm trying!
5) Bayaran lahat ng utang..... i'm trying, ok!
6) Ayusin ang playlist ng Ipod....laterrr!
7) Manage time..... for what? I dunno!
8) Be punctual.......Argg, hoping!
9) Be good.....I am!
and
10) Be happy....check!

Wish me luck!

Hello, Transcript... Hello Diploma!

Woohoo, sa wakas... nakuha ko na ang Transcript ko at Diploma.. naman, kelan pa ko graduate.. apat na taon na ang nakalipas.. at ngayon... woohoo, hawak hawak ko na siya! La lang, iba lang ang feeling.. ang sarap!!! Nakita ko ule ang Alma Mater ko, naglakad sa catwalk (oops, wala na nga palang cat walk)... ganda na ng campus, impernesssss.....



Lakwatsa

on Sunday, March 30, 2008
Pictures nung gumala kami magpipinsan..... woohoo! (Mejo late nga lang ang posting.. hehehe)
















Lasingggg.............. ang lahat! hahaha!

Manila Ocean Park

Last March 24, nagpunta kaming Manila Ocean Park... Maganda... Magaling ang pagkakagawa, saka ang daming fish.. after mong pumunta dun, magiging fish lover ka... ma-aappreciate mo bigla mga isda.. i dunno, pero na-amazed lang talaga ko... :) A big thanks sa manager, kasi feeling ko... kung walang manager, matagal-tagal pa ko makapunta dun.. hehe! Ang mahal ng entrance fee eh....







After Manila Ocean Park... ang next stop? Manila Harbor View (Tama ba?) Ewan ko, basta ang sarap ng food, keber sa pangalan ng resto.. basta katabi lang.... Imagine all the food... Inihaw na baboy, Pansit Canton, Lumpiang Shanghai, Adobong Kangkong, Pusit, Sisig, Seafood rice, Calamares..... ano pa ba hahanapin mo? Waaaaaa......... Mangan!

WALANG KASING SARAP KAPAG LIBRE!!!!!

After one week.....

After one week, nang naglinis ako ng kwarto ko... Eto na itsura niya ngayon....


Tsk tsk......

Oopsss... Joke lang... Eto na talaga... hehehe.





FYI Ate... (Wall paint to follow...) Hot Pink, ayan na ko..... :)

the long wait is over....

on Sunday, March 23, 2008
Sa wakas.. nalinis din ang kwarto kong pagka-gulo gulo! Nagmistulang bagong lipat ako kanina, nilabas namin lahat ng laman ng kwarto ko... naku po, napakadami palang kalat.. (ngayon mo lang nalaman, oyie???) Lahat nagtatanong kung paano ko itinago ng pagkatagal-tagal ang mga iyon... hindi ko din alam ang kasagutan... wala akong pics ng before ko linisin ang kwarto ko.. (kasi baka kapag nakita niyo, hindi niyo na ituloy basahin ang blog ko) Binilhan ako ni Ate ng bagong kama, woohoo! (Salamat Ate!) Bago, kaya kelangang linisin muna ang paglalagyan... (syempre!) Sa tulong ng tatay ko... natapos namin... yun nga lang andami niyang labahin... hehehe... pinamigay ko na din 'yung ibang damit ko... kaya masaya na naman si Erika, Neneng at Tin-tin... Ang aparador ko, lumuwag... wala ng laman... nakakapanibago... So ngayon, ngalay na ngalay ang buong katawan ko... woohoo... next job, wall paint! Yakang-yaka!



Hanggang kelan kaya itatagal???

Basaan to the Max!

Ang aming tradisyon... woohoo! Magbasaan! Saya.. para kaming mga bata ule.. hehehe!


Villa Escudero

on Saturday, March 22, 2008
Ang ikatlong summer escapade! Woohoo... ang next stop.... Villa Escudero! Maganda talaga,,, lalo na kung nature lover ka... :)

Itinerary:
1) Carabao Ride.
2) Pictures.
3) Swimming.
4) Rafting at Labasin Falls.
5) Eat lunch.
6) Swimming.
7) Pictures.
8) Jacuzzi.
9) Halo-halo & Mais con Yelo
10) Pictures.
11) Uwian na....

MASAYA... MASAYA... MASAYA!!!!













After 4 years,,,,,

on Tuesday, March 18, 2008
Woohoo... hitik ang summer escapades ko! After 4 years bago nasundan ang outing ng compound... Masaya kasi, malalaki na kami... ang iba sa amin, may mga anak na.. dating kami ang mga walang ahunan sa swiming pool, ngayon mga pamangkin na namin ang mga walang ahunan....

Bus ride... nakaka-aliw! Parang field trip ang nangyari.. may roll-call pa bago umandar ang bus. Masaya ang lahat lalo na nung makarating na sa Resort... Woohoo, ang saya! Liguan agad...

Ang mga ginawa ko:
1) Mag-swiming.
2) Kumain.
3) Mag-videoke.
4) Matulog.
5) Uminom.
6) Mag-picture.
7) Manood ng tv.
8) Mangulet.
9) Maglaro.
10) Kumain.

(Ulitin sa #1)

Ilan sa mga pictures namin:







Ang sarap magbabad......... :)