How's my New Year's Eve?

on Tuesday, January 1, 2008
Every year na lang sini-celebrate naten ang New Year... at taon-taon na lang na ang mga taga-Tolentino Compound, nanonood lang ng fireworks... Ayun, nakatingala lang kami sa langit, habang tuwang-tuwang nanonood ng fireworks display.... Hindi kasi namin nakasanayan na magpaputok, at bumili ng paputok... Ang mahal kaya... ang ingay pa! (Tumatanda na yata ako...) :)

Anyway, balik sa kwento... Kagabi, maaga kami kumain ng family, dahil maaga din kaming nagutom, sabi ko nga, feeling ko hindi ko na maaabutan ang New Year's Eve, kasi inaantok na ko... tapos, natatakot pa ko sa mga paputok, idagdag mo pa 'yung usok na nalalanghap mo... Grrrr!

Maagang umuwi si Sophia at Ate dun sa kabila.... Lalo akong inantok... kaya, pinatay ko na ang ilaw ko at nahiga na sa kama ko! Tulog na ko ng ginising ako ng mga kupal kong pinsan.... Hala, sumilip dun sa bintana ko at nag-ingay.... Actually, may plano talaga kami dapat na maglaro ng POT at mag videoke... kaya nga lang, mga walang nagpaparamdam kaya akala ko, waka na... Nagkatamaran na din...

Pero, hindi din ako nakatiis, baka buong taon lang ako matulog, bagong taon na bagong taon, tulog ako.... kaya, lumabas na din ako. Masaya naman, nanggulo lang ako sa bawat bahay... Natuloy ang Pot at nag-videoke kami... nanood din ng fireworks, nag-lusis, at tumalon... All in all, ok ang New Year's Eve ko kasi, i ended it na kausap ang Pugo ko.... Lalo kong na-miss dahil sa mga araw tulad nito.... haaaaay!
Sa lahat.... Happy New Year.... 2008 na... Anong bago????

From Kroc's to Iceberg's!


Last year, Dec. 28, 2006... nag-date kami ng kapatid kong si Nge sa Kroc's...Ayon nga sa motto naming "treat yourself", nagpakabusog kaming dalawa... Sige order..... sobrang busog! Ang galing lang kasi, ang bilis talaga ng panahon.... One year na din ang kanyang havaianas na regalo nya din sa sarili niya... hmmm, (ako yata nagbayad nun?)

Anyway....

Nitong Dec. 30, 2007.... a year after... date ule kami ni Nge... saan? Sa iceberg's... haha, again.... inisip namin ang aming motto na "treat yourself".... Sulit din naman.... mawawala ba ang picture? Syempre hindi....

Next year kaya.... San kami? :)

First time...



Matagal-tagal na din nagkaroon ng Krispy Kreme dito sa Pinas.... Pero, guilty ako na sa tagal-tagal na iyon, kelan lang ako nakatikim... Nadadaanan ko ang shop nila sa Megamall... Palaging madaming tao.. At nabalitaan ko pa na sa sobrang haba ng pila, nagbibigay sila ng complimentary donuts... Sabi ko, aba, sosyal talaga... Naisip ko nga, pumila kaya ako, tapos hindi ako bibili, makakuha lang ng libre... hehe! Sabi ko nga, lahat ba talaga ng nakapila dun bibili? O baka pareho lang kami ng idea na makakuha lang ng complimentary donut, for curiosity sake... Anyway....

Last Dec. 23, sa Greenhills, bago kami mag Christmas Shopping para sa mga inaanak namin, nagpalipas oras muna kami sa Krispy Kreme (I'm starting to like saying the name, hehe)... Ang aga kasi namin dumating, sarado pa ang tiangge! So, Go kami...Hindi ako ang u-morder... si Ate... (scared pa.. first timer e)

Naka-order na.. sa akin, Choco Chip something... imperness, masarap nga.. pero, hindi naman ako ganun kahilig sa donuts... kaya, so-so lang.. (naks, ang arte ko..) Wala lang, gusto ko lang i-share ang experience na mababaw....

So, hindi na ko OP kapag nagku-kwento si Pugo kapag binibida niya ang Krispy Kreme... At ang masasabi ko lang... mas masarap pa din ang HOT LOOPS ng Mini Stop! :)