Kanina, on my way sa trabaho, may nakasakay ako sa jeep, mag-asawa... matanda na.. siguro mga nasa 70 to 75 years old na sila pareho.. nakakatuwa sila kasi ang sweet pa din nila.. si Lola naka-dantay pa din kay Lolo... nakaka-aliw sila.. tapos si Lola, ang daldal, nag-uusap sila, si Lolo naman parang kinig na kinig sa kanya.. Nakatitig lang ako sa kanila. Tapos iniisip ko, ako kaya??? Parang nakikita ko kay Lola sarili ko eh... 'yung pagkamadaldal ko... malamang naman hanggang sa pagtanda ko dala-dala ko 'yun.. hahaha! Basta, sobrang naaliw lang ako... :)
Bigla ko napakanta sa isip ko nito.....
Bigla ko napakanta sa isip ko nito.....

1 Comment:
Ahahaha! ang sweet naman nina Manong... :)
Post a Comment